Chapter 31

32 1 0
                                    


Isang linggo akong pinagstay ng doctor ko dito sa ospital habang inaayos nila mom at dad ang papeles ko para sa paguwi sa pilipinas. Hanggang ngayon sobrang sariwa parin sa isipan ko yung moment na pinayagan ako ni dad na umuwi ng pinas. Ang sarap sa feeling. And i can't wait to see what's waiting for me there.

I currently stopped my treatment because my body always rejects it. Pero ang medicines ko ay hindi nila itinigil. Para daw yun sa pagcontrol sa puso ko, you know, to delay whatever may happen.

"You ready?" Masiglang bungad ni lucas sakin pagbukas palang ng pinto.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Anong problema mo? Nakakarindi ka!"

Tumawa siya ng parang nangiinis. "Ofcourse ako paba? Bestfriend moko e!"

Pinaikot ko ang aking mata ng 360 degrees. Oo sa sobrang epal ni lucas nagagawa ko yan.

"Ako muna ang magbabantay sayo, wala sila tita inasikaso ang mga papeles at iba pang kailangan para sa flight."

Tumango naman ako. "Enge ako apple. Balatan mo." Mataray na utos ko

I heard him groaned. "Ano ako, yaya mo?"

"Para san pa't narito ka, aber?"

Ngumuso naman siya. "Fine."

Ngumisi ako ng malapad.

Naisipan kong tawagan si sab since medyo matagal na nung nakausap ko siya.

8am palang naman dito kaya for sure gising pa yun.

"Sino tinatawagan mo?" Tanong ni lucas. Naririnig niya siguro yung pagcontact ko.

"Si sab. Miss ko na e."

Sumagot din si sab after ng ilang rings. "Hello chaaa!"

Natawa naman ako. "Miss me?"

"Yah! Ang tagal mong di tumawag sakin tapos malalaman ko nalang na naospital ka." Bigla naman siyang ngumuso.

Lumapit naman sakin si lucas at inabot ang napeel na apple.

"Hoy, umayos ayos ka jan. Uuwi na si cha-cha jan sa pinas." Sabi ni lucas sabay kagat sa apple niya

Nakita ko naman na natigilan si sab.
"R-Really?"

Ngumiti naman ako bago tumango. "Hindi kaba masaya o excited?"

"O-ofcourse i am!" Napansin ko ang pagkautal niya.

"Sabihan mo rin sila thrixie. Magayos kayo ng welcome party para kay cha-cha."

Pabirong hinampas ko si lucas sa braso niya. "Kailangan pa ba yun? Sayang lang pera baliw!"

"Aba bakit hindi? Deserve mo yun dahil after ilang years buhay ka parin!"

Hinampas ko nanaman siya, this time mas malakas na. "Gusto mo na ba ako mawala lucas?!"

He raised his hands as if he surrendered. "I didn't mean that way."

"Yes you do!"

"Hey, stop fighting." Awat samin ni sab. "I'll let others know about that. Kelan uwi mo cha?"

"Maybe the day after tomorrow. Titignan pa nila mom kung pwede gamitin yung private plane nila tito ali."

I see confusion in her eyes. "Why? Aren't you gonna take the public planes?"

Umiling naman ako. "Ayaw nila dad. Lalo na ngayon na mas sensitive ako at prone sa viruses. And mas maganda narin yun, i can do whatever i want ng walang maiingayan sakin. You know me." Natatawang sambit ko

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon