Isang araw na ang nakalipas mula nung dumating sila mom at dad dito sa states. Ngayong araw nanaman ang treatment ko. Ngayon lang ulit ako masasamahan nila mom at dad during my treatment.Nandito na kami sa room kung saan isasagawa ang treatment ko. Sa ngayon nakaupo palang ako at sineset up palang ni tito ali ang mga gagamitin namin.
"You ready honey?" Tanong ni dad na nasa tabi ko.
Tumango naman ako. Hindi na bago sakin to pero everytime na magtretreatment ako, kinakabahan ako. Kinakabahan na baka hindi ko kayanin. Na baka hindi na ako magising after ng treatment. Maraming what if na umiikot sa utak ko kapag oras na ng treatment ko. Kaya sobrang saya ko ngayon dahil nandito sila mom at dad para suportahan at samahan ako.
And also, about nung gabing sinabi ko kay mom na gusto kong bumalik sa pilipinas ang sabi niya kay dad daw ako magsabi. Hindi ko pa inoopen kay dad yun dahil humahanap ako ng tamang tyempo.
"Dein, halika" tawag sakin ni tito ali
Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa bed na hinihigaan ko kapag nagtretreatment ako.
"You can do it baby." Nasa tabi ko narin sila daddy at mommy at hawak ang kamay ko.
Ngumiti ako sa kanila bago nilagay ni tito ali yung oxygen na magpapatulog sakin.
And when i'm about to lose my consciousness, i saw luke's face smiling at me. I felt hot liquid dripped on my cheek.
~~~~~
I'm feeling a bit of discomfort. I feel like there's something on top of me. It's so heavy. Weird. It's the first time i'm feeling this.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Madilim kaya hinayaan ko munang mag adjust ang mata ko.
Nang okay na, naaninag ko naman ang buwan sa bintana ko. What time is it?
I looked at the wall clock here in my room, it's already 11pm. Ang tagal ko natulog ah.
Sinubukan kong umupo pero bigla akong nahilo. Damn, what's going on with me? Hindi naman ako ganito kapag kakatapos ng treatment ko ah.
Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang nagbabantay sakin dito sa kwarto. Wala rin akong nakitang tubig, gusto kong uminom dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
Sinubukan kong tumayo, humawak ako sa side table ko for support dahil nanghihina parin ang mga paa ko.
Kaya naman kaya humakbang na ako papunta sa pintuan ng kwarto.
Malapit na ako sa sa pinto ng maramdaman kong parang bumaliktad ang sikmura ko. Dali dali akong pumunta sa banyo at nagtungo sa sink. Sumuka ako.
Ang sakit ng katawan ko. Nakahawak ako ng mahigpit sa sink dahil baka matumba ako.
Suka parin ako ng suka. Walang tigil. Nagulat nalang ako ng makita kong may dugo yung suka ko.
Sumusuka ako pero wala ng lumalabas. Ang sakit ng tyan ko pati narin ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pagsuka.
"Dein!"
Lumapit agad sila daddy at mommy sakin.
"Shit! Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni dad sakin.
Pinunasan ko ang bibig ko.
"Dein are you okay?" Si mom
Tumango naman ako. "Nabigla lang po siguro yung katawan ko." Mahinang sagot ko
Umiikot narin ang paningin ko kaya agad akong kumapit kay daddy.
"Dein! What happened?" Sumulpot naman si tito ali na nagising rin.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Fiksi RemajaAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...