3 days na akong nandito sa ospital simula nung naaksidente kami. Okay na ako at walang nangyari sa brain ko, luckily, pwede narin akong lumabas ngayon. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ko dito sa ospital, wala akong balita kila luke, cedric, rex at lucas. Palaging 'okay sila' ang natatanggap kong sagot kila mom. Binisita narin ako nila sab, thrix, tyler, james at garry dito kahapon. Nakalabas din kasi sila agad dahil hindi naman ganun ka major yung natamo nila. Ako ang dapat imonitor talaga dahil meron yung time na bumibilis o bumabagal yung pagtibok ng puso ko which is strange sabi ng doctor. Hindi ko alam basta yun lang yung narinig ko sa usapan nila ni mom.Nakaupo ako ngayon sa kama ko at pinapanood sila mom at manang rosa na ayusin yung mga gamit ko. Wala si dad nasa work nya.
"Mom" tawag ko
Lumingon naman siya.
"Pwede ko po ba bisitahin muna sila lucas bago tayo umuwi?"
"Dein, sabi ko sayo ok—"
"Please." Makaawa ko. "Gusto ko silang makita para mapanatag ako."
Huminga naman siya ng malalim bago tumango. "Fine. Antayin ka nalang namin sa lobby sa baba."
Ngumiti naman ako. "Thanks mom"
Tumango naman siya. Tumayo na ako at lumabas. Binigay nila sab yung room number nila lucas at tsaka dito lang din sa floor na ito ang room nila kaya di ako mahihirapan.
Nang mahanap ko ang room ni lucas ay kumatok na muna ako bago buksan ang pintuan.
Pare parehas silang lumingon sa gawi ko. "Uhm hi tita, tito, bisitahin ko lang po sana si lucas" nahihiyang sambit ko.
"Oh dein, lalabas kana?" Tanong ni tito, dad ni lucas
"Opo. Sabi ng doctor pwede na po"
Tumango naman siya
"Oh sige maiwan muna namin kayo." Saad ni tita, mom ni lucas
Tumango naman si lucas bilang sagot sa kanila at naglakad na palabas sila tita. Hinaplos pa nila ang braso ko ng mapadaan sila sa gilid ko.
Pagkalabas nila sinara ko na ang pinto ay dire diretsyong naglakad kay lucas. "You doing fine?"
He chuckled. "Yeah, pwede na ako lumabas bukas siguro. Ayaw pa nila mom ngayon e, bukas nalang daw para sure na maayos na ang pakiramdam ko."
Ngumiti naman ako. "That's good to hear. Uhm, lucas?"
"Hmm?"
"Kamusta si rex?" May bahid na pag aalala sa tono ng boses ko
Tumingin naman siya sakin na parang naguguluhan. "Hindi pa nasasabi nila sab sayo?"
Umiling naman ako kaagad. "Ang alin?"
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "He's still sleeping. At sabi ng doctor na tumingin sa kanya ay napuruhan ang mga binti nya. Hindi pa nila sigurado kung nagfafunction pa yun unless magising na si rex at titignan nila kung nagagalaw nya pa." Malungkot na paliwanag ni lucas
Halos nagulantang ako sa sinabi nya. "Paano?"
"Gumana naman yung airbag ng sasakyan pero naipit parin yung mga binti nya. Hindi ko nga naintindihan e bakit siya lang, e parehas kaming nasa harapan." Naiiling na sambit nito
"I-im so shocked." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa nalaman ko.
Ngumiti naman siya ng malungkot. "Si rex yun, kaya nya yun. Siya pa? Maloko yun pero hindi yun susuko agad."
Tumango naman ako ng mabagal. "Sige na lucas. Bibisitahin ko pa si luke. Magpahinga ka ng mabuti para makalabas kana. I love you." Saad ko sabay halik sa pisnge nya
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...