Chandria's POVNaka isang gabi na ako dito sa ospital at ngayon ay pwede na akong lumabas. Maaga akong nagising ngayon, well halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil gumugulo sa isipan ko yung ginawa ni luke sakin nung nagising na ako kahapon. Hinalikan niya ako sa noo. Kapag sila lucas, tyler at rex naman ang gumagawa nun parang wala lang sakin e. Bakit kay luke iba yung epekto sakin? Mababaliw na ata ako sa kaiisip. Hay nako
Gusto ko na ba talaga siya? Am i really inlove with him? How? Ang aga naman ata, parang imposible dahil hindi naman kami masyadong nagsasama at naguusap. Pero kasi makita ko lang sya parang buo na ang araw ko. Shit nakaka ewan pala talaga pag naiinlove ka.
Tulog pa sila sab at thrix sa sofa, si lucas naman ay nakaupo sa tabi ng kama ko then nakayuko sya sa kama para makatulog. Panigurado sasakit likod at batok nito mamayang pag gising nya.
At ako? Eto nakahiga at dilat na dilat ang mata. 6am palang ata pero eto gising na gising na ako. Walang maayos na tulog kagabi. Kailangan ko pa naman magrest pero wala e, si luke kasi. HayssUmuwi sila ni cedric kagabi kasama ni rex. Gusto ko pa nga sana syang pigilan at sila lucas ang umuwi kaso nakakahiya naman tsaka baka kung anong isipin nila. Gusto ko sanang si luke ang mag alaga at magbantay sakin. Kaso anjan naman si lucas. Hay nakooo naman nakakafrustrate!
Ilang oras pa akong nakatulala sa kisame ng kwarto na ito at narinig ko na naghikab si sab.
"Goodmorning chaa! You feelin' good?" Saad nya at lumapit sakin para ikiss ako sa pisnge.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango
"Sure kabang nakatulog ka ng maayos kagabi? Tignan mo nga yang under eyes mo, nangingitim" sabi ni sab sakin sabay turo sa eyebags ko. Aware ako na iitim talaga yan dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi.
Nagising narin sila thrix at lucas para makapag ayos na ng mga gamit para maka alis na kami before lunch. Sabi naman ni doc anytime today pwede na kami lumabas. Tinanong ko pa kay doc kung pwede na ako magwater activities sa resort, gusto ko na mag island hopping huhu.
"Hindi pwede, kailangan mong magpahinga ng mabuti chandria." Matigas na sabi ni doc kahapon nung huling bisita nya dito sa kwarto.
Pero dahil mapilit ako, napapayag ko din siya pero may isa siyang bilin.
"Wag masyadong magpapagod. Okay doc! At tsaka may gamot naman po ako dito na dala." Sabi ko. Wala ng nagawa si doc sa kakulitan ko kaya pumayag nalang siya. Yes! May silbi naman pala ang pagiging makulit ko HAHAHAH.
Mga bandang 9am dumating na si rex para sunduin kami. Lumabas na kami sa ospital at nagpaalam na sa mga nurses na umasikaso sakin pati narin kay Doc na pinilit ko hehehe.
Pabalik na kami sa resort at si luke parin ang nasa isipan ko. Nandito kami sa loob ng sasakyan asa tabi ako ng bintana at pinapagitnaan namin ni thrix si sab. Si lucas naman ay nasa passenger seat then si rex ang nagdridrive.
Tahimik lang ako na pinagmamasdan ang tanawin na nadadaanan namin sa labas habang hindi parin maalis sa utak ko ang mukha ni luke.
"Huy" naramdaman kong kinalabit ako ni sab.
Napatingin naman ako sa kanya. "Hmm?"
"Okay ka lang?" tanong nito
Tumango lang ako at binalik ang paningin sa labas habang siya naman ay bumalik sa pagcecellphone.
Natulala nanaman ako dahil iniisip ko nanaman ang paghalik ni luke sa noo ko. Bakit ba ganito? Nakaka asar naman! Parang gusto ko ng pabilisin ang takbo ng sasakyan para makarating kami agad sa resort nang makita ko na si luke e!
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Fiksi RemajaAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...