Chapter 4

39 2 0
                                    

Luke's POV

"Pare ano ba talang problema mo ha?" Tanong ni garry sabay lagok ng alak

"Porke ba nagyaya ako uminom may problema na agad? Diba pwedeng namiss ko lang to" sabi ko sabay tingin sa malayo

Nandito kami ngayon sa garden sa bahay ni garry umiinom.

"Ha? Weird pare, e dati rati hindi ka naman nag aaya ng inuman kapag lang may problema ka o di kaya broken ka ha?" Takang tanong ni cedric habang naglalaro sa phone nya

Matagal na kaming magkakakilala nila cedric, garry at james dahil sa iisang subdivision lang kami nakatira.

"Oh baka naman broken ka nga, si chandria no?" Nang aasar na sabi ni garry

"Ulol bakit naman sana" inis na sabi ko sabay lagok ng alak

"E kasi nakita ko sila kanina sa arcade naglalaro, ang sweet pa nga nila ni lucas e tapos nung tinignan kita nagulat nalang ako na nakatingin kana din pala sa kanila ng masama sabay bigla kang nagwalk out at ngayon nandito na tayo dahil sabi mo gusto mo uminom" paliwanag ni garry at may nakakaasar na ngisi pang pinakita sakin

"Tsk anong pake ko sa engot na yun. Kung gusto nya si lucas edi gusto niya! Sino ba sya?!" Sigaw na sabi ko sabay salin ng alak sa baso ko at nilagok agad

"Teka nga luke, gusto mo na ba si chandria?" Tanong ni cedric sakin at nakatingin ng seryoso sakin

"TF bakit ba hinohot seat niyo ko!? Teka asan pala si james? Bat di sumama satin dito?" Ngayon ko lang napansin na wala si james ha

"Bebe time daw, tsaka di pinayagan ng bebe nya na maginom" natatawang sabi ni garry

Tsk yan ang pangit pag may jowa, walang oras mag saya kailangan pang ipaalam lahat ng gagawin. Tsk.

"Pare di mo pa sinasagot yung tanong ko" seryosong sabi ni cedric sakin

Hay! Ayan nanaman sya!

Hindi ko sya kinibo at uminom lang ng alak

"Tol hindi naman imposible yun dahil parang perfect na si chandria diba? Maganda" paliwagan ni garry

"Matalino" tuloy ni cedric

"Mabait" sabi naman ni garry

"Sobrang caring nya pa kita mo naman e" dugtong ni cedric

"Hay manahimik nga kayo!" Inis na sigaw ko sa kanila

Tumawa lang silang dalawa. May nakakatawa ba!?

"Pre confirmed" bulong ni garry kay cedric

"Ano yon!?" Inis na tanong ko dahil hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi nya

"Luke alam mo, masamang pigilan ang nararamdaman bahala ka baka lalong lumalim yan yung tipong babagsak ka ng solid sobrang deep tapos hindi kana makakaahon sa sobrang lalim" naiiling pa na sabi ni cedric

"Tsaka luke hindi naman masama na magkagusto ka agad kay chandria o sa ibang babae pa yan, hindi mo naman matuturuan ang puso mo, hindi mo naman sasabihin sa puso mo na 'ops wag muna masyado pang maaga, kakakilala ko palang sa kanya' o kaya naman 'teka lang puso ang bilis mo naman mahulog' tsk pare ang love dadating at dadating yan unexpectedly" mahabang paliwanag ni garry

Binato ko lang sya ng chichirya na pulutan namin dahil ang dami nyang alam

Tinawanan lang ako ng mokong

Hays. Di ko alam bakit ganito nararamdaman ko. Lalo na kanina nung nakita kong nakayakap yung lucas na yun kay cha, biglang nagdilim yung paningin ko e parang gusto ko biglang manuntok kaya nag aya nalang ako uminom.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon