"Welcome back, Chandriangot."If this is a dream, please, don't ever wake me up. I want to stay here. I don't wanna wake up ever again.
I don't know how to react and what to feel. My knees are weak, my body is shaking, my heart is pounding so fast, i'm sweating.
Ganito pala ang pakiramdam ng mga bida sa mga novel na nababasa ko tuwing magkikita ulit sila ng taong mahal nila after ilang years. I can't even speak.
His eyes are fixed on me. Ni hindi niya tinatanggal ang mga titig niya sakin na lalong nakakapanghina ng katawan at puso ko.
"I'm so happy to see you again after 3 years." Nakangiting wika niya.
Shit. That smile. It melts my heart. Dahil sa mga ngiti na yan, nawawala ako sa sarili ko at nagwawala ang puso ko.
May nakita akong nilabas niya galing sa likod niya. Bouquet of flowers. Naramdaman kong nagiinit ang sulok ng mga mata ko. Is this real?
Naglakad siya at lumapit sakin. "For you milady, i missed you so much." Sabay abot niya sakin ng flowers.
Tinanggap ko naman iyon pero hindi parin ako makaimik. Still shocked.
He laughed softly. "You're surprised. You look so adorable when you're shocked." Ginulo niya ang buhok ko.
Napalunok naman ako. "H-how? Naaalala mo na ako?"
Tumango naman ito. "Matagal na."
Nagulat naman ako. "W-what? When?"
"Umupo ka muna luke at saluhan kami sa pagkain." Pag aaya ni garry at sumunod naman si luke.
Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain.
Matapos kaming kumain ay nagtungo kami sa likod ng bahay upang tumambay at magkwentuhan pa.
"Why didn't you tell me na matagal ng nakaalala si luke?" Bulong na tanong ko kay sab habang sabay kaming naglalakas palabas ng bahay.
"I tried." Mahinang sagot nito. Napatingin naman ako sa kaniya.
"What?"
"Whenever i call you. Hindi mo lang ako pinapatapos kapag nababanggit ko ang pangalan niya, lagi kang nagdadahilan na may gagawin."
Kasi hindi pa ako handang malaman ang nangyayari sa kaniya. Iyan ang gusto kong sabihin kay sab ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
Umupo kami sa paanan ng malaking puno dito sa likod ng bahay upang sumilong at tumambay.
I'm still shocked kaya hindi ko pa pinapansin si luke.
Nakatulala ako sa kawalan habang ang iba ay masayang nagkukulitan ng may tumabi sakin.
Pagkalingon ko ay literal na napatalon ako kahit nakaupo na ako.
"Bakit gulat na gulat ka, para kang nakakita ng multo." Pabirong sambit ni luke
Agad naman akong nagiwas ng tingin at pinagmasdan nalang sila tyler na naghahabol habulan.
"Cha" tawag ni luke sakin at dahil marupok ako, dahan dahan akong tumingin sa kaniya.
I saw his serious face. Ngayon ko lang ulit siya nakita ng ganito kalapit. Napansin ko na nagmature lalo ang itsura niya pero lalo siyang gumwapo. Bagay na bagay niya ang pagiging mestiso nito at ang magulong buhok.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Подростковая литератураAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...