Maagang nakarating sila mommy at daddy dito sa batangas. Samantalang si lucas ay mamayang gabi pa.Masaya kaming nag aagahan dito sa resto ng resort habang nagkwekwentuhan. Ang ingay namin pero okay lang dahil masaya kami.
"Tita! Mag island hopping tayo! Masaya po yun ang daming isla na magaganda malapit dito!" Natutuwang sambit ni thrixie
"Really? Gusto ko yan. Sige sige mag island hopping tayo mamaya." Nakangiting sagot naman ni mom
"Ang dami din pong water activities dito tita! Mageenjoy po talaga kayo dito!" Si tyler naman
Natatawa nalang ang parents ko sa kakulitan at masayahin na mga kaibigan ko.
"Cha you okay? Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo."
Napatingin ako kay luke ng magsalita ito.
Ngumiti naman ako. "I'm still full."
"You good baby? May masakit ba sayo?" Tanong naman ni mommy sa tabi ko.
Pinagitnaan kasi ako ni luke at mommy.
"I'm okay mom. Don't worry" i said while smiling.
"Kung gusto mo huwag ka muna sumama sa amin mamaya. Magpahinga ka tutal nakalibot at nakapagenjoy ka naman na dito. Is that okay?" Suggest ni mom
"Pero mom gusto ko din naman po na makasama kayo dito lalo na ngayon lang ulit tayo nakapagbakasyon na magkakasama." Nakangusong sabi ko
Nakita ko naman ang pagbuntong hiningi ni dad na nasa tabi lang din ni mommy.
"Hija baka may mangyari sayo tsaka ang sabi ni doc sayson na magpahinga ka." Sabi ni dad
Napanguso nalang ako. "Alright."
Hinawakan ni mom ang kamay ko tsaka ngumiti sakin. "I hope you understand that baby. Alam mong kapakanan mo lang ang iniisip namin ni daddy mo."
Tumango naman ako tsaka sinubukang kumain.
"Don't worry tita, habang naglilibot kayo dito sa resort, i'll take care of cha."
Napalingon ako kay luke dahil sa sinabi niya. "It's fine. Join them nalang."
Ngumiti ito sakin. "Walang magbabantay sayo at tsaka i insisted wala ka ng magagawa."
Napairap naman ako sa sinabi niya.
"Thank you luke. Buti nalang nanjan ka." Sabi ni mom.
Psh imbis na tulungan niya akong mapilit sila mom iba naman ginawa niya. Pero okay na masosolo ko siya hekhekhek.
Matapos kaming magbreakfast ay nagsibalikan na muna kami sa kwarto para makapag pahinga.
Kumuha sila mom ng isang kwarto para samin. Dito na ako sa kwarto nila simula ngayon at solo na nila sab at thrix yung isa.
"Mom matulog napo muna kayo, mamayang after lunch pa naman po kayo mag iisland hopping." Wika ko habang nakaupo sa kama.
Nag aayos si mom ng mga gamit nila habang si dad nasa cr.
"Yup napagod kami sa byahe kaya matutulog na muna kami. You'll gonna be okay here?"
Tumango naman ako tsaka ngumiti. "Dito lang ako mom. Masyado pa akong mahina para maglakad lakad."
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Ano bang ginawa mo bakit ka nanghihina?"
"Dahil siguro sa mga activities na ginawa namin dito mom." Paliwanag ko
"Basta pag may kailangan ka tawagin mo kami ng daddy mo okay?"
Tumango naman ako sa kanya.
"Sige na magpahinga kana."
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Ficção AdolescenteAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...