Halos isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang aksidente, malapit narin ang pasukan namin. Wala akong ginawa sa remaining days ng sembreak namin kundi ang manatili dito sa bahay at tulungan sila manang rosa. Hanggang ngayon tulog parin sila luke at cedric, si rex naman nagising na nung nakaraang araw. Nanatili siya sa ospital para malaman kung ano pang pwedeng gawin sa mga binti nya. Titignan pa kung madadaan sa therapy kung hindi, hindi na siya makakalakad pang muli. Grabe sobra kaming nasaktan at nalungkot nang malaman naming hindi na siya makakalakad. Iyak kami ng iyak non pero si rex? Ayun, nakangiti at lagi kaming sinasabihan ng 'okay lang ako ano ba, tumigil nga kayo kakaiyak. Ang papangit niyo pag umiiyak kayo' kaya wala kaming magawa kundi ang tumawa nalang ng peke at umiyak ng palihim. Sobrang bait ni rex pero bakit kailangan nyang maranasan to? Sobra sobra na ang paghihirap na nararanasan nya.Biyernes ngayon at nasa office na sila mommy at daddy, ako naman ay maagang bumangon para tulungan sila manang rosa sa paglilinis at pag aayos ng bahay. Sa maikling bakasyon namin ay natutunan kong magtamin at mag ayos sa likod ng bahay namin. Garden kasi ni mom yun at medyo napabayaan na kaya naman ako na ang nag ayos para gumanda ulit.
"Manang rosa, tama po ba ito?" Tanong ko sabay pakita nung mixture ng cookies na ibebake ko. Gusto kong magbake ng pastries para kila mom, mahilig kasi sila sa mga ganun.
"Oo, ihalo mo pa dein." Utos ni manang
Tumango naman ako at sinunod siya.
Habang naglalagay ako sa tray ng cookie dough ay may narinig akong nagdoorbell. Pumunta ang isa naming kasambahay para tignan kung sino yun.
"Dein, may bisita ka." Sabi ni ate melay
"Sino po?" Tanong ko naman
"Nandun siya sa sala, puntahan mo na kami na ang bahala jan."
Tumango naman ako at nagpunas ng kamay sa apron na suot ko at naglakad na patungo sa living room.
Nakita ko naman si lucas na prenteng prenteng nakaupo sa sofa namin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What brings you here?"
Tumawa naman ito. "Ganyan ba ako igrigreet ng pinaka magandang bestfriend ko?"
Umirap naman ako at pumamewang.
"Anong kailangan mo mahal na prinsipe?" Sarkastikong saad ko
Tumawa naman ito ng malakas bago tumayo. "Looks like you're busy huh? Can i help you?"
Umiling agad ako. "Baka masunog ang bahay namin."
Sumimangot naman siya agad. "Bestfriend ba talaga kita?"
Nagkibit balikat lang ako. "Tara sa kusina, nagbreakfast kanaba?" Tanong ko sabay talikod para pumunta sa kusina.
Naramdaman ko namang sumunod siya sakin. "Yup. Aayain lang sana kita pumunta sa simbahan."
Natigilan naman ako at humarap sa kanya. "Friday ngayon, sa linggo pa ang misa ang advance mo ha." Natatawa kong sabi
"Mag visit lang tayo. Nung lumabas tayo sa ospital hindi pa tayo nakakavisit sa simbahan para magpasalamat."
Totoo yun. Sobrang higpit kasi sila mom at dad sakin nung kakalabas ko sa ospital. Hindi ako pwedeng lumabas at magpagod.
"Then punta tayo kila luke." Dugtong nya
Kunwari nagisip muna ako.
"Cha ano?" Inip na tanong nya
Tumawa naman ako ng mahina. "Jeez, apaka impatient mo. Oo na sige na sige na."
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...