Pag kagising ko i felt pain all over my body. Naramdaman ko rin na basa ang unan na hinihigaan ko. Pagkapa ko sa pisngi ko, basa ito.Dahan dahan akong bumangon ngunit nakaramdam ako ng matinding hilo.
"Ahh" mahinang daing ko habang hawak hawak ang ulo ko.
"You're awake. Here drink some water."
Nakita ko si luke na papalapit sakin at may dalang baso ng tubig.
Agad ko naman iyong tinanggap at uminom.
"How are you feeling? I was worried kasi umiiyak ka habang natutulog at hindi kita magising gising." Paliwanag nito
Tumango naman ako. "Nanaginip lang ako."
Tumabi siya sakin at hinaplos ang pisngi ko. Tinanggal niya rin ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.
"You're so pale. You sure you're okay?" Tanong nito
Tumango ako bilang sagot. "Where's mom and dad?"
"Nasa labas, nagwawater activities na siguro sila. It's past 2pm and you haven't eaten your lunch. Tara sa resto."
"I'm tired." Mahinang sabi ko sa kanya sabay pikit.
"You have to eat para makainom ka ng gamot mo. Let's go, sasamahan kita."
Naramdaman ko ang pagbuhat niya sakin kaya napadilat ako. Inupo niya ako sa wheelchair.
"Let me get my phone and wallet." Wika nito.
Nakaramdam ako ng lamig kaya naman niyakap ko ang sarili ko. Bakit ako nilalamig gayong ang init init dito sa batangas?
"Luke" mahinang tawag ko
Tumingin naman siya ng nakataas ang kilay.
"Can you lend me your jacket? Kung meron ka. Wala kasi akong dalang jacket e."
Kumunot ang noo nito. "Why? Nilalamig ka?"
Tumango naman ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan ko.
"Okay. Wait here. Kukunin ko sa kwarto namin." Paalam nito
Inantay ko siyang bumalik. Bumibigat ang talukap ng mata ko kaya ipinikit ko na muna ito.
Why am i feeling this? I'm so weak and shaky. And i feel so tired and sleepy.
"Cha" rinig kong tawag ni luke sakin kaya iminulat ko ang mga mata ko.
Nakita ko naman siyang papalapit sakin at may hawak na jacket.
"Here." Sabi niya at isinuot sakin ang jacket.
"Thanks" mahinang tugon ko
Ngumiti naman siya sakin at tsaka itinulak na ang wheelchair. Lumabas na kami para kumain.
Lalo akong nilamig sa malakas na hangin dito sa labas kaya naman niyakap ko ang sarili ko ng mahigpit habang nakatingin sa mga taong masayang naliligo sa dagat.
"You okay?" Rinig kong tanong ni luke sa likod ko.
Tumingin ako sa kanya at tsaka ngumiti.
Nakarating na kami sa resto at umorder na ng makakain.
While waiting for our food, nakatulala lang ako sa kawalan habang busy si luke sa cellphone niya.
Bigla kong naalala ang panaginip ko kanina. Totoo kaya yun? Totoo kayang nakita at nakasama ko si Lord sa panaginip ko? Totoo kaya yung mga pinakita niya sakin? I hope not, kasi ang hirap tanggapin kung totoo man yun.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...