Chandria's POVLinggo ngayon at papunta ako sa burial ni cedric. Nauna na sila sab dun dahil aasikasuhin pa nila si thrix. Simula nung nadala si cedric sa morge hanggang sa nakaburol na siya ngayon ay hindi parin umaalis si thrixie sa tabi niya. Ni hindi kumakain o nakikipag usap kahit kanino, kahit samin hindi niya kami pinapansin. Ayon kila sab, lagi siyang nasa tabi ng kabao ni cedric. Sobrang naaawa na ako sa sinasapit ng kaibigan ko.
"Mom i'll go na po." Paalam ko habang nasa sala siya nanonood ng tv.
"Okay mag iingat ka ha. Be home before dinner okay?" Bilin niya
Tumango naman ako at humalik na sa pisnge nya. "Tell dad na aalis na po ako."
"Okay no problem. Mag iingat ha."
Tumango naman ako at kumaway na. Paglabas ko ng bahay nandun na ang sasakyan pati si kuya mike na inaantay ako. Sumakay na ako sa sasakyan at bumyahe na papunta sa chapel kung saan nakaburol si cedric.
Nilabas ko ang phone ko. "Hey guys. Today's the 2nd day na nakaburol si cedric and ngayon lang ako bibisita simula nung nilabas na siya sa ospital at dinala sa chapel." Tumigil ako para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. "Wish me luck, sana hindi ako magbreakdown dun lalo na makikita ko si thrix. Cedric, if you're watching this, i love you so much at sana maging okay na si thrix. She's in so much pain. I hope we all get better soon." Ngumiti ako ng malungkot sa camera at tsaka pinatay iyon.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. Hindi naman naimik si kuya mike kaya okay lang, medyo wala ako sa mood magsalita e.
After a couple of minutes nakarating na kami sa chapel. Bumaba na ako at sinabi kay kuya mike na sunduin nalang ako pag nagtext ako.
Pumasok na ako sa loob at tinahak ang room na para sa burial ni cedric.
Medyo madaming tao ngayon, baka dadami pa sa mga susunod na araw. Not to mention very friendly si cedric at karamihan sa nakikita ko ngayon na nandito is mga classmates and schoolmates niya. Mga businessman at woman naman sila tita kaya panigurado may mga bibisita na mga partner nila sa negosyo o kung ano pa man.
Nakita ko naman sila sab sa pinakaunahan na row kaya lumapit na ako sa kanila.
"Hey" simpleng bati ko at napatingin naman si sab sakin.
Ngumiti siya ng maliit. "Thank God you came."
"Bakit? Kamusta si thrix." Katabi niya ito at nakatulala lang sa harapan, kung nasan ang kabao ni cedric.
Hindi ko alam kung icrecremate nila tita ang katawan ni cedric, basta ngayon naka burol siya at nasa kabao palang naman.
"Mas lalong lumala ang kondisyon niya. Gusto ko na siyang ilapit sa espesyalista kasi hindi na talaga maganda ang lagay niya. She doesn't wanna eat nor go home to have some rest." Malungkot na pahayag ni sab sabay tingin kay thrix.
Lumapit naman ako kay thrix at lumuhod sa harapan niya. Tinignan kong maigi ang itsura niya. She's so miserable.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Thrix its me, cha."
Dahan dahan naman siyang tumingin sakin.
Ngumiti ako ng maliit. "I'm here. You can talk to me."
Nakita ko ang namumuong luha niya. "Bakit hindi parin gumigising si cedric? Cha, bakit kailangan pa niyang humiga sa lecheng kabao na yan? Cha, pwede mo bang sabihin sa kanya na tumayo na siya kasi sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa niya e. Please cha." Makaawa nito
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang gustong tumulo. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. "Kahit anong pakiusap ko thrix ayaw niya talaga e. Hayaan na natin siya magpahinga thrix. Diba mahal na mahal mo siya?"
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...