Chapter 19

24 1 0
                                    


Lunes na ngayon at may pasok na kami. Tapos na ang 2weeks sembreak namin. Pero hindi parin nagigising sila luke at cedric. Si rex nasa bahay na nila at dun na nya tinutuloy ang therapy nya. Nakiusap din siya sa may ari ng GDU na maghome schooling nalang siya this sem at pinayagan naman siya.

Business math ang subject namin ngayon at nalulungkot parin ako dahil wala si luke. Kanina pa ako tahimik dito sa upuan ko at lumilipad ang aking isipan. Hindi ko magawang magfocus sa discussion dahil nag aalala ako kay luke at cedric. Alam narin ng mga prof namin ang nangyari kaya excuse muna sila ced at luke habang hindi pa sila okay. Si thrix naman hindi pumasok. Tinry namin siyang bisitahin sa bahay nila pero hindi nya kami kinakausap. Nangayayat narin siya at halatang hindi okay at hindi kumakain. Dinalhan namin siya ng pagkain nung bumisita kami, sobrang naaawa ako sa kanya dahil hindi talaga siya nagsasalita at nakatulala lang. hindi rin siya pinapayagan na bumisita kay cedric dahil baka lalong lumala ang kondisyon nya.

"Cha!"

Nagulat ako sa sigaw ni sabrina sa tabi ko.

"Kanina pa kita tinatawag at kinakalabit. Anong nangyayari sayo?" Sabi nya

Umiling naman ako. "Wala"

Bumuntong hininga naman siya. "Tara na."

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

Napairap naman siya. "Breaktime na tange. Yan kasi kanina kapa tulala jan."

Ee? Hindi ko manlang napansin na umalis na yung prof namin.

Inayos ko na ang gamit ko at tumayo na. Magkakasama kami nila sab, lucas at tyler na pumunta sa canteen.

Pagdating namin nandun na sila garry at james kumakain.

"Kamusta" bati ni garry samin

Ngumiti lang ako sa kanya. Pumunta naman sila lucas at tyler sa counter para bumili ng pagkain namin.

"Okay lang naman" si sab na ang sumagot.

"Wala ba kayong balita kay cedric?" Tanong ko

Natahimik naman sila at umiwas ng tingin samin.

"Huy! Tinatanong ko kayo" saad ko

Naiilang na tumingin si garry sakin. "W-wala, ganun parin daw ang kondisyon nya." Sabay iwas ng tingin nanaman sakin

Napahugot ako ng malalim na hininga bago tumango.

Tahimik lang kami habang inaantay ang pagkain namin. Chinecheck ko rin ang phone ko baka biglang magtext o tumawag sakin yung nurse ni luke.

Maya maya lang dumating na sila lucas na may dalang tray. Kumain na kami ng tahimik. Ni isa samin hindi nagsalita o umimik. Nakakapanibago.

Matapos kumain nagsibalikan na kami sa aming mga classrooms para sa klase namin.

Hanggang last subject hindi ko nagawang magfocus at makinig sa profs namin. Hindi maganda to dahil consistent honor student ako. Baka maapektuhan nito ang grades ko. Patay ako kila mommy at daddy.

Dismissal na at naglalakad na kami palabas ng building namin.

Nakita naming papunta sila garry at james sa gawi namin na tila'y balisa at pagod na pagod. Pawisin silang lumapit samin.

"Anong nangyari sainyo bakit pawis na pawis kayo?" Tanong agad ni sab na nasa tabi ko.

Tinukod naman ni garry ang kamay nya sa tuhod nya at hinabol ang hininga. "S-si luke, gising na daw."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "T-talaga!?"

Tumango naman sila. Hindi na kami nagsayang ng oras at pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan ni lucas. Tinext ko si kuya mike na mamaya na niya ako sunduin dahil pupunta kaming ospital.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon