Isang araw na ang nagdaan mula ng dumating kami dito sa batangas.
Kahapon ay pumunta kami sa taal lake, sumunod naman ay ang taal basilica o ang Minor Basilica of Saint Martin of tours Church.
Pangalawang araw namin ngayon at nag island hopping ulit kami kanina katulad ng ginawa namin dati dito. Nagwater activities din kami katulad ng jetski, banana boat, snorkeling at iba pa.
Gabi na at narito kami sa tabing dagat para magbonfire. Sobrang nakakamiss ito.
May mga inihaw na silang pagkain at nagtotoast din kami ng marshmallows dito sa apoy namin.
Nakabilog kami at nasa gitna namin ang apoy. Katabi ko si luke sa kaliwa at sa kanan ko naman si sab.
Balak sana naming magboodle fight ngayong gabi kaso naka buffet sa resto ng resort at hindi pwede na magrequest ng boodle fight. Kaya naman ito nalang ang ginawa namin.
Masaya kaming kumakain at nagkwekwentuhan dito.
Tahimik lang akong nakangiti at nakikinig sa kanila dahil wala na akong lakas sa sobrang pagod sa mga water activities na ginawa namin kanina.
"Huy te! Sunog na yang marshmallow mo oh!" Sabi ni sab na nakapagpabalik sa wisyo ko.
Agad ko namang nilayo ang mallow ko sa apoy at tama nga siya, kulay itim na ang mallow ko.
"Ano pang gagawin mo jan? Hindi naman na pwedeng kainin. Akin na nga" wika ni sab sabay tangay ng stick sakin para palitan ang nasunog na mallow.
"Ano bang nangyayari sayo at kanina kapa tulala jan, no wait, simula nung dumating tayo dito madalas kitang naaabutang tulala. What's wrong?" Tanong niya habang nilalagyan ng bagong marshmallow ang stick ko
Nagkibit balikat naman ako. "I'm just sad"
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. "Sad? Diba ikaw nag aya dito tapos ngayon hindi ka pala masaya?"
"No. Masaya ako. Nalulungkot lang ako kasi wala si cedric. Miss ko narin si lucas."
Nasamid naman siya sa sinabi ko. Anong mali dun? Miss ko naman talaga si lucas at tsaka si ced
"T-teka, tama ba yung narinig ko? Miss mo na si lucas?" Nauutal na tanong niya
Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa apoy. "Oo, masama ba?"
"Hindi naman. Ang weird lang"
"Best friend ko siya, nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko at lagi kong nakikita. Hindi ako sanay na wala siya dito ngayon." Paliwanag ko
Nakita ko naman ang sunod sunod na pagtango niya sa gilid ko.
"Sab" tawag ko
"Oh?" Hinawakan niya ang kamay ko para ibigay ang stick na may bagong marshmallow.
"Buti nalang hindi kayo bumisita sa states nung nandun pa ako"
"Ha? Bakit? Ayaw mo ba kami na nandun?" Nagtatakang tanong niya
Tumango naman ako kaagad habang nakatingin parin sa apoy. "Ayokong makita niyo ako na naghihirap."
Natahimik naman siya dahil sa sagot ko.
"Ayokong nandun kayo tuwing may session ako ng treatments ko. Ayokong nakikita niyo akong mahina at walang malay. Ayokong pati kayo nahihirapan tuwing ganun ako. I just can't." Malungkot na sabi ko
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Ficção AdolescenteAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...