Chapter 16

26 3 0
                                    


"Cha, tara na" yaya ni lucas

"Wait lang!" Sagot ko

"Ang tagal mo naman mag ayos ng gamit. Kanina ka pa jan ah" reklamo niya

Napairap nalang ako at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit ko.

Ngayon na ang alis namin dito sa batangas. Actually ako nalang ang inaantay. Nalate kasi ako ng gising kanina, hindi na nga ako naglunch dahil mahuhuli ako kung kakain pa ako. Mamaya nalang siguro sa sasakyan.

Hindi ko alam pero ang haba ng tinulog ko. Usually 7-8hrs ang tulog ko pero kagabi almost 10hrs ang tulog ko. Nakapagbreakfast pa sila samantalang ako tulog na tulog hanggang lunch time tulog parin ako. Buti nalang ginising ako nila sab kanina. Ang weird lang haha.

Nang matapos ako mag ayos ng gamit ko kinuha na ni lucas yung bag ko.

"Tara na, nag aantay na sila sa sasakyan." Utos ni lucas

Tumango nalang ako at tinignan ang kwarto ng huling beses. Mamimiss ko to. Mamimiss ko ang batangas. Napangiti nalang ako sa mga ala alang ginawa namin dito.

Pagdating namin sa parking nakasimangot sila sab.

"Bakit ganyan itsura niyo?" Tanong ko pagkabukas nung pinto ng sasakyan.

"Ang tagal mo te!" Reklamo ni sab sabay irap.

Natawa naman ako. "Sorry, sinulit ko kasi yung kama kaya nalate ako ng gising." Pagbibiro ko

Bago ako pumasok sa loob, tinignan ko muna ang sasakyan nila luke. Nakita ko siyang nakatingin sa gawi ko kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik. Ang gwapo nya leche.

Sumakay na ako para naman di na sila magreklamo pa.

"Babye batangas! We will miss you! 'Till we meet again." Madramang sabi ni thrix habang nakatingin sa labas.

Nilabas ko ang phone ko para sabihan sila mommy na byabyahe na kami. Pagkatapos ay nagvideo ako.

"Alis na kami dito sa resort. Bye virgin beach resort! Bye batangas! And hello Golden Dez Univ!" Natatawang sabi ko.

They all frown kaya naman lalo akong natawa sa kanila.

"Hello requirements, we meet again" sabay face palm ni tyler na nasa tabi ni thrix.

"Wow! Gumagawa kaba nun tyler? Apaka epal nito." Mataray na sabi ni thrix sabay irap kay tyler.

Nagtawanan naman kami sa alitan ng dalawa.

"Let's goo!" Masayang sabi ni rex.

Kaya naman bumyahe na kami palabas ng resort at palabas ng batangas. Babalik na sa dati pagka uwi namin sa manila. Nakakalungkot psh.

Habang nasa byahe nagpatugtog sila sa sasakyan para di boring. Dumaan pa kami sa isang fast food at nag drive thru dahil hindi pa ako kumain.

Hindi naman ganun katraffic sa SLEX kaya mabilis magpatakbo sila rex at luke. Nasa harapan namin ang sasakyan ni luke at nauunang nagmamaneho. Masayang bumyahe pag ganitong maluwag ang daanan dahil less hassle sa traffic.

Habang nagsasaya kami dito, nagkakantahan at nagtatawanan ay bigla kaming nakarinig ng malakas na busina sa kung saan.

Maya maya lang ay nakita namin ang 10wheeler truck na parang nawalan ng preno at kontrol habang humaharurot sa kabilang kalsada. Bigla itong nagiba ng direksyon at bumunggo sa mga barricades na nakaharang sa gitna ng daan at dire diretso itong sumalpok sa harap namin.

Ang matandaan ko lang ay malakas na prineno ni rex ang sasakyan ngunit hindi iyon sapat upang mapigilan itong sumalpok sa kaharap na sasakyan. Sa sasakyan nila luke. Ang sasakyan nila luke na nayupi dahil sa truck, at ang sasakyan naming nayupi dahil din sa pagkakabunggo sa likod ng sasakyan nila luke dahil sa lakas ng impact na dala ng truck ay naitulak nya ito kaya naman nasalubong namin ang likod ng sasakyan nila luke.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon