"Magiingat kayo ha. Dein ang mga gamot mo huwag mong kakalimutang inumin, kumain ka ng maraming pagkain, huwag kang magpapagod ng sobra ha"Natatawa nalang ako sa paulit ulit na bilin nila mom at dad sakin.
Ngayon ay luluwas na kami papuntang batangas, pinayagan ako nila mom at dad dahil kasama ko naman sila sab. One week kami na magstastay dun. Sinabihan ko rin si lucas at ang sabi niya ay susubukan niya raw humabol.
"Opo mom. Hindi ko makakalimutan dahil kagabi niyo papo iyon pinapaalala sakin" natatawang sagot ko
"Kung kailangan ko pang itext sayo bawat oras gagawin ko. Aba mahirap na dein dahil malayo kami sayo at hindi ka namin mababantayan. Napaka tigas pa naman ng ulo mo." Sabi ni dad
Napanguso naman ako sa sinabi ni dad.
"Luke magiingat sa pagdradrive ha. Huwag kayong magmadali." Sabi ni dad kay luke na kasalukuyang nagkakarga ng mga bagahe namin sa likod ng sasakyan.
Saglit itong tumigil at tumingin kay dad. "Yes tito! Don't worry po!" Nagsalute pa ito na ikinatawa namin.
Kasama namin ang lahat ng barkada. Nagpaalam sila sa kani kanilang mga trabaho para lamang samahan ako sa batangas. Sobrang bait nila at pinagbigyan nila ako sa kahilingan ko.
Isang van lang ang dala namin at konti lang naman ang gamit namin kaya okay narin na iisang sasakyan lang ang dadalhin namin.
"Alis na kami mom" paalam ko at humalik na sa pisngi ni mom at dad
"Take care, balik ka agad ha" malungkot na sabi ni mom
"Yes mom don't worry."
Pagkatapos ay sumakay na ako sa sasakyan at bumyahe na kami papunta sa batangas.
Si luke ang driver namin at ako naman ang nasa passenger seat. Sila sab at thrix sa likod namin at ang ibang boys ay nasa pinakalikod.
Chill lang ako dito sa sasakyan. Mejjo matagal pa naman ang byahe namin.
Pinagmamasdan ko lang ang mga building na nadadaanan namin habang ang iba ay nagkwekwentuhan sa likod.
"Yah, i was expecting na sasagutin niya si vince but it turned out na gay siya!" Rinig kong sabi ni thrix.
"Yeah sobrang nakakagulat yun! So unbelievable. Ang gwapo at macho nya sabay bakla pala siya" si sab. Halata ang lungkot sa tono ng pananalita niya.
"Kung ako yun sasagutin ko yun at papatinuin! Sayang e!" Sabi ni thrix na ikinatawa namin na nakakarinig sa kanya.
Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan at tawanan habang nasa byahe kami.
"Ang daming pumila sayo thrix pero wala kang sinagot kahit isa!" Suhestiyon ni sab
Narinig kong tumawa si thrixie. "Kahit sino pa yan wala akong pake, unless mabuhay ulit si cedric, siya lang ang gusto ko."
Napangiti naman ako sa narinig ko. Mahal na mahal niya parin si cedric. Nakakalungkot lang dahil hindi na niya ito makikita ulit.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang sumakit ang ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Pakiramdam ko pinupukpok at hinihiwa ang ulo ko.
Maya maya lang nakaramdam naman ako ng pagkirot ng dibdib ko, sa parte ng puso ko.
"Shit. Not now" mahinang sabi ko sa sarili ko.
"Cha, you okay?" Rinig kong tanong ni luke
Umayos naman ako at nagpanggap na okay. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Yup. Napuwing lang ako"
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Novela JuvenilAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...