Kinabukasan, pagkagising ko naramdaman ko agad ang hindi kaaya ayang pakiramdam. Hindi ako uminom kagabi kaya malamang hindi ito hangover. Nanghihina ako, i mean literal na nanghihina ako. Hindi ko masyadong maramdaman ang buong katawan ko na parang namamanhid.Sinubukan kong bumangon at napangiwi nalang ako sa biglang pagkahilo at pananakit ng katawan ko. Pwede pala yun? Nanghihina na ako't lahat lahat nakakaramdam parin ako ng sakit.
Tatayo sana ako para pumunta sa banyo pero ayaw makisama ng paa ko. Nanghihina ito at parang hindi na kayang buhatin ang katawan ko.
Damn, what's happening?
Sinubukan ko nanamang tumayo at this time humawak ako sa side table. Pero hindi parin ako nagtagumpay. Tuwing sinusubukan kong tumayo nanginginig ang mga tuhod ko kahit ang kamay ko na pang suporta ay nanginginig din.
Hindi naman ako ganito dati ah. Dahil ba ito sa sobrang pagod?
Agad kong kinuha ang phone ko at kinontak ang doctor ko dito sa pinas.
"Goodmorning, this is Dr. Ramil Sayson speaking." Bati nito sa kabilang linya.
"D-doc" mahinang tugon ko
"Hello? Who's this?"
"C-Chandria Guzman"
"Oh! The one who have HCM?"
"Y-yes" nanunuyo rin ang lalamunan ko
"What can i do for you hija?"
"D-doc, is it normal na nanghihina ako? I mean, nanghihina po talaga ako. I can't even stand doc." Nanghihinang paliwanag ko.
"Ano bang ginawa mo kahapon?"
"W-water activities" deretsong sagot ko
"Are you still doing your treatments?"
Umiling naman ako. "Hindi na po"
"What?!" Napatalon ako sa gulat at lakas ng pagkakasabi niya.
"Kelan pa?"
"Nung nasa U.S papo kami. Ayaw napo tanggapin ng katawan ko ang treatments kaya itinigil napo."
"Are you taking your meds?" I can feel nervousness in his voice.
"Opo"
"Okay that's good. Continue doing that. For now, take a long rest. Huwag ka munang kumilos o magpagod. Just lie down on your bed the whole day. I'll call your parents."
"Okay po." Maiksing sagot ko
"Nasan ka pala at bakit nagwater activities ka kahapon?"
"Batangas po. Taking a vacation"
I heard him sighed. "Okay. I'll let your parents know about this hija. Magpahinga kana."
"Thanks doc"
Matapos ang tawag agad din akong bumalik sa pagkakahiga pero hindi na ako makatulog. Iisa lang ang pwesto at posisyon ko dahil hindi ako makagalaw ng maayos dahil baka magising si sab at tsaka hindi ko gaano magalaw ang katawan ko sa panghihina at sakit.
Ipinikit ko nalang ang mata ko sinubukang makatulog ulit.
Ilang minuto na ang lumipas wala paring nangyayari. Magiiba sana ako ng pwesto nang maramdaman ko ang pag galaw ni sab sa tabi ko. Kaya naman tumigil ako sa pag galaw dahil baka magising ko siya.
"Cha?! Cha! OMG CHA!"
Nagulat ako sa malakas na pag uga sakin ni sab kaya napadilat ako.
"What's happening?" Mahinang tanong ko
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...