Chapter 6

41 3 0
                                    


"Yess! Bakasyon naaaaaa!" Masayang sigaw ko habang palabas kami ng building namin

Katatapos ng exam namin ngayong araw so bukas wala ng pasok kasi sembreak na namin! Wohhhhh! Buti nalang hindi sila nag iwan ng madaming requirements kaya maeenjoy talaga namin ang 2weeks vacation namin. Napag usapan narin naming magbabarkada na mag-a-outing kami! Ang saya dibaa! Nakakaexcitee!

"Tara na sa mall para makapamili na tayo ng mga susuotin natin sa batangas! Excited na akooo!" Masayang sabi ni thrix at tumatalon talon pa. Halatang excited haha

"Kain muna tayo nakakagutom yung last na inexam natin e" reklamo ni lucas

Nagtawanan naman kami at pumunta na sa mall para kumain muna

"Bibili pa ako ng mga swimsuits ko kailangan madaming pagpipilian para masaya!" Paliwagan ni thrix habang inaantay namin yung order namin. Nandito lang kami sa isang fast food chain

"Hoy cha-cha at sabrina, magswiswimsuit din kayo ha! Beach yon, beach kaya walang magpapantalon,leggings o ano pa! Swimsuit ha!" Pagtataray ni thrix samin

Sya lang excited magbeach kasi magswiswimsuit sya, pano naman daw ako na hindi masyadong komportable na magsuot ng ganun? Pati tong si sab hindi masyadong mahilig magsuot ng ganun. Masyadong revealing kasi e hehe

"Yeah ano pa nga ba? Basta tulungan mo kaming pumili yung hindi masyadong exposed yung skin namin ha" paliwagan ni sab

"Gaga ano gusto mo one piece na long sleeves?" Umirap pa si thrix

"Kung meron yun nalang HAHAHA" natatawang sabi ni sab at pati kami natawa narin

"Tsaka guys i'll be inviting some of my friends to join us sa batangas ha, if y'all don't mind hehe" saad ni thrix

Nagulat naman ako don, sino pang iiinvite nya? Ang usapan kami kami lang ah

"Sinong isasama mo?" Tanong ni tyler

"Secret! Basta makikita niyo nalang pag nandun na tayo!"

Biglang tumingin si thrix ng nakakaloko sa akin

Mukhang may balak tong isang to ha. Nako patay tayo jan hmp

Dumating na ang pagkain namin at masaya kaming kumain dahil gutom na talaga kami at masakit pa ang ulo dahil sa mga inexam namin

Pag katapos namin kumain ay pumunta na kami sa mga bilihan ng swimming clothes. Nakihiwalay na kaming girls sa boys para maka pamili narin sila ng susuotin nila

Nandito kami sa department store sa women's apparel at tumitingin tingin ng babagay sa amin na swimwear

"Sab ito oh bagay sayo!" Pakita ni thrix sa blue na two piece

Napangiwi naman si sab nang makita iyon

"Seryoso ba? Eto nalang oh" sabi nya sabay pakita ng hawak nyang one piece na may long sleeves na floral ang design

Ang cutie naman nun! Bet ko yun!

"Uyyy yan nalang bet ko terno tayo sab gusto mo?" Saad ko

"Oo sige cha!" Masayang sagot nito sakin

"Hey! Hey! No! Hindi yan ang susuotin niyo!" Angal ni thrix samin at kinuha sa kamay ni sab yung one piece na bet namin

"Luh edi kung iba gusto mo yun nalang suotin mo basta kami ni sab yan ang amin" sambit ko sabay hablot ulit nung one piece

"No!" Seryosong angal nito

"Arghhh nakakainis ka thrix!!" Iritang sabi ni sab

"I know right" sarkastikong sabi nito at nag hair flip pa sabay talikod samin

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon