Luke's POVKanina pa gumugulo sa isipan ko yung babae na yun. Sino ba siya? Ano ba siya sa buhay ko? Yung cedric na sinasabi niya, sino yun? Yung mga kaibigan niya na pilit sinasabi sakin na kaibigan din nila ako. Sino yung mga yun?
"Ahh" napahawak ako sa ulo ko ng bigla nanamang sumakit ito. Kapag pinipilit ko na maka alala laging sumasakit ang ulo ko.
Inabot ko ang tubig ko sa side table ng kwarto ko at ininom iyon. Alas otso ng gabi na pero hindi parin ako makatulog at nakaupo lang sa kama. Damn ayaw ako lubayan ng babae na yun.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ko ang wallpaper ko. I'm with this weird girl at parang nasa beach kami. Bakit ko to wallpaper? Hanggang ngayon malaking katanungan parin sa aking isipan ang babaeng iyon at kung bakit ang daming pictures dito sa cellphone ko, puro mukha nung babae na yun o di kaya yung mga kaibigan niya. At kasama pa ako.
Tinignan ko ang gallery ng phone ko at sinuri ang mga pictures.
Pilit kong inaalala kung ano ko ba talaga sila. Dang, gusto ko silang maalala pero ayaw ng utak ko.
Muli nanamang sumakit ang ulo ko. Napahampas nalang ako sa noo ko out of frustration at tinigil na ang kakatitig sa phone.
Humiga na ako at pumikit.
Nakita ko ang isang babae na nakatalikod sakin, dahan dahan ko siyang nilapitan at tsaka ko lang napansin na nasa dalampasigan kami at nanonood ng sunset.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang siya niyakap sa likod niya then i rested my chin on her shoulder.
"Luke" tawag sakin ng babae.
Parang pamilyar sakin ang boses ng babae ah.
"Hmm?" Sagot ko.
"Thankyou for being part of this trip. Thankyou for making this trip very special and memorable."
"Always cha, you're always welcome. At para sa taong importante sakin, gagawin ko ang lahat. All for you, milady."
Hindi ko alam pero bigla bigla nalang ako sumasagot sa kanya. Para bang may sariling isip ang aking bibig at sasagot nalang bigla.
Bigla ko naman siyang hinalikan sa sentido nya na ikinangiti niya.
Ang liwanag ng mukha niya. Sinubukan kong tignan ng mabuti ngunit wala akong maaninag na mukha. Puro liwanag. Nakakasilaw na liwanag.
"Luke"
Napabangon naman ako sa kama at tila hirap na hirap huminga. Sobrang sakit din ng ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ko ang sarili ko. "Aaahhhhhh!!!" Sigaw ko
Hindi ko alam kung pano mawawala ang sakit. Mas nilakasan at hinila ko pa lalo ang buhok ko. "Ahhhh!! Make it stop!!!"
Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader nagbabakasakaling mabawasan ang sakit nito.
Ano bang nangyayari? Sobrang sakit ng ulo ko.
"Ahhh! Ang sakittt!! Make it stop!!!"
Nakarinig ako ng mga yabag at maya maya lang bumukas na ang pintuan ng kwarto ko.
"Luke! What's happening!?" Nag aalalang sambit ng ina ko.
"Mom my head hurts! Please make it stop!"
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Novela JuvenilAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...