Chandria's POV"Okay kana lucas?" Iritang tanong ko kay lucas
Tumawa lang sya at tinuloy ang ginagawa
Katabi ko sya ngayon at pinagtritripan ako, anong ginagawa nya? Well pinipisil pisil lang naman nya etong pisngi ko at nang gigigil pa.
Kung nagtataka kayo kung nasan sila thrix at sab, nandito sila sa likod namin at naglalaro ng uno card kasama ang iba naming classmate dahil wala pa naman ang prof namin sa business math e ayan ang ginagawa nila. Hindi ako sumali dahil may twist ang laro nila, kapag natalo ka may ipapagawang dare sayo na SOBRANG NAKAKAHIYA katulad nalang yung isa naming babaeng classmate na si janna, natalo sya at ang bibigay na dare sa kanya e 'magtwerk hanggang dumating ang prof at pagalitan sya' O 'magtwerk sa harap ng isa naming classmate na lalaki for 3mins' oh diba? Nagbigay sila ng choices kaso wala din. Syempre no choice si janna kundi gawin yung last option. Ayun pinagtawanan nang pinagtawanan sya ng mga classmates namin. At alam niyo pa kung sino may pasimuno nyan? Ofcourse sino paba edi sila sab, thrix, rex at tyler. Mapapa face-palm nalang ako sa pinag gagagawa nila.
At hindi rin sumali si lucas dahil isa din tong dakilang KJ sa grupo, parehas kami HAHAHA.
Kaya eto ngayon, ako ang pinagdidiskitahan. Yung pisngi ko kawawa na huhu."Lucas please, tigilan mo na yung pisngi ko maawa ka naman" pagmamakaawa ko sa kanya
"E ang cute cute kaya, malaman" gigil na sabi nya sabay kurot nanaman sa kaliwang pisngi ko
"Oo na alam ko naman na malaki pisngi ko wag mo na ulit ulitin pwede ba?!" Asar na sabi ko sa kanya sabay irap
"HAHAHA" tawa pa nito, argh nakuha pang tumawa nakakaimbyerna to.
"May tanong ako cha, yung mga kinakain mo san napupunta? Ang payat payat mo pero yung pisngi mo ang laki laki? Yung totoo cha?" Natatawang tanong nito
"Lucasss!" Inis na sigaw ko sa kanya at tinawanan lang ako ng buset na to.
Dumating na ang prof namin sa business math at nagsi-ayos na kami dahil magsisimula na sya magklase
"Class i'll be dividing you into 5 groups para sa mga performance tasks, reports and activities na ipapagawa ko sainyo and also, this groupings will last till the end of the first semester, got it?" Sabi ng prof namin
Sumang ayon na kami at nagumpisa na magcount ng 1 to 5.
Number 3 ako and meaning group 3, wala man lang akong kagrupo sa mga barkada ko pero okay lang naman sakin yun.
"Okay class for the first activity, you just have to solve the problems that i'll flash on the projector" pag instruct samin ng prof
Hinanap ko naman ang mga groupmates ko and luckily kagrupo ko si janna, yung nagtwerk kanina hehe. Then si eric na sira-ulo sa klase din. Ang saya.
"Oh tatlo lang tayo?" Nagtatakang tanong ko dahil ang alam ko apat ang members per group.
"Ako pa hoy" biglang sulpot ni luke sa tabi ko
Wtf!? Sa lahat ng classmates ko bakit sya pa naging kagroup ko? May iaambag ba ito sa grupo? Stress ako te ha!
Napairap nalang ako sa kanya at ngumisi lang siya
Kumuha na ako ng papel at ballpen para simulan na ang pagsosolve sa problems na ibinigay ni maam.
"Hi cha! Ang serious mo naman, tulungan na kita!" Masiglang sabi ni luke
Napairap naman ako habang nagsusulat. Tinignan ko sya ng walang reaksyon.
"Magsolve din kayo at pagka tapos ipagcompare natin ang mga sagot natin kung sino ang tama at mali nang matuto tayong lahat. And also, don't call me 'cha' hindi tayo close kaya 'chandria' dapat." Masungit na sabi ko sabay balik sa sinosolve
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...