"Wowww" sabay sabay kaming namangha sa island na una naming pinuntahan. Nasa gitna siya ng dagat at sobrang ganda! White sand din. Shettt ang sarap mag picture dito!!Nang makarating na kami sa isla agad din kaming bumaba dahil gusto na namin magpicture picture!
Pababa na ako pero di pa nakakabalik si lucas, binubuhat niya kasi kaming mga babae kasi medyo mataas ang bangka mahirap bumaba pati umakyat.
Sakto naman na papunta na dito si luke kaya medyo kinabahan ako.
"Come" utos nya sakin
"H-ha?" Kinakabahan talaga ako leche
"I said come. Jan ka nalang ba sa bangka?" Mataray na sabi nya.
Kahit naka sunglasses siya kita ko parin ang pagirap niya sakin. Tss napairap narin ako.
Dahan dahan akong bumaba at siya naman inalalayan ako.
Dahil masyadong mataas ang bangka, muntik na akong masubsob sa buhangin and luckily, nasako ako ng mga bisig ni luke. Watdapak knight and shining armour ang peg? HAHAHAHA
Pero damn, parang gusto ko nalang magstay dito sa mga braso niya. So comfy and i feel safe hihi. Ang harot cha ah
Binaba niya na ako sa gilid ng dagat.
"T-thanks" nautal pa ako buset
Tumango lang siya at tumalikod para bumalik sa bangka.
At ako naman eto, natameme at nakatulala sa likod niya.
"Huy cha tanggalin mo na yang polo, magpicture na tayo! 20mins lang tayo dito ano kaba!" Utos ni thrix sakin.
Kaya naman tinanggal ko na ang polo at nilapag sa buhangin na tuyo. Lumapit na ako kila sab at thrix na nagsisimula ng magpicture.
Habang busy sila, nilabas ko muna ang phone ko para magvideo.
"Heyy i'm back hahaha, so we're currently on this lost island in batangas. And super pretty dito! Don't worry we're not literally lost. Nag a island hopping kami!" Nakangiting saad ko habang vinivideo ang sarili. "Girls say hi!" Saad ko at tinutok sa kanila ang camera.
"Hiiii!" Saad ni thrix
"Para san yan cha?" Tanong naman ni sab
"Nagvlovlog ako, bakit ba. Mag hi ka na nga lang!"
"Tss hi" walang gana na sabi ni sab.
Natawa naman ako. "Siguro pagod kana kakapicture kay thrix kaya ganyan ka" sabi ko sa kanya
"Halika na dito cha magpicture na tayo para matapos na!" Sigaw ni sab sakin
Natawa nanaman ako. Tinutok ko sakin yung camera. "Sige na, later nalang ulit. I'll update y'all sa next destination namin. See yah!" Pagkaend ko nung video lumapit na ako kila sab para magpicture picture.
Kasama din namin sila lucas, rex at tyler sa mga pictures namin. Niyaya din namin sila cedric, garry, james at luke. Feel na feel namin ang pagiging turista!
Matapos ang oras namin dito sa unang isla bumalik na kami sa bangka para sa susunod pa. I think tatlo yung islang pupuntahan namin e.
Habang nasa bangka, tinitignan ko yung mga pictures namin na tinake sa DSLR na camera ni thrix. Nakakatuwa na may mga ganito kaming picture na forever itretreasure. Hayss ang sarap titigan ng mga ito.
Ganun parin ang nangyari sa mga sumunod na islang pinuntahan namin. Nagpicture picture at nagvideo narin ako. Mag 4pm na din nang matapos kami mag island hopping. Di ko alam na ganun kami katagal ha. Nanghingi kasi kami ng extension ng oras dun sa last island na pinuntahan namin. Grabe kasi ang ganda tsaka naligo na rin kami dun. Pabalik na kami sa resort at pagod kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Ficção AdolescenteAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...