Chapter 40

100 2 1
                                    


Luke's POV

5 years later.

"Thank you po manang ha. Ang ganda po talaga ng mga bulaklak niyo." Nakangiting kumento ko

"Nako hijo nambola kapa! Pero walang anuman. Magiingat ka."

Ngumiti naman ako bago lumabas sa flower shop. Sumakay ako sa sasakyan at inilagay ang bulaklak sa passenger seat.

Nagdrive ako papunta sa simbahan na paborito ko. Hindi naman ito kalayuan sa flower shop na pinuntahan ko.

Nagring ang phone ko kaya sinagot ko iyon.

"Nasan kana pare?" Bungad na tanong sakin ni garry

"Teka papunta palang ako sa simbahan. Mauna na kayo jan."

"Oh sige sige. Bilisan mo ha. Padating na din ang iba dito."

"Oo pare. Sige sige."

Ibinaba ko naman iyon at nagfocus sa pagdradrive.

Ilang minuto lang ay tanaw ko na ang simbahan na lagi kong binibisita tuwing masaya ako, may problema o di kaya tuwing namimiss ko siya. I always go here to have peace of mind.

Nagpark ako sa labas at bumaba sa sasakyan. Pagpasok ko sa simbahan may mga tao akong nakitang tahimik na nakaluhod at nagdadasal. Lumuhod nadin ako at taimtim na nagdasal.

Matapos magdasal ay pumunta ako sa lugar kung saan pwede magsindi ng kandila. Nagtirik ako ng dalawang kandila at nagdasal ulit.

Matapos ay tumayo lang ako dito sa likod at tumitig sa altar.

Itong simbahan na ito ang saksi sa pagmamahalan ng lolo at lola ko. Dito ko din dinala ang pinakamamahal kong babae. Ang Celeruega Church. This church is really special to me.

After a couple of minutes i decided to go na. Since nagaantay na ang mga kasama ko dun.

Medyo malayo pa ang ibyabyahe ko pero okay lang.

Tahimik lang akong nagdradrive ng maalala ko siya. Tinignan ko ang picture naming dalawa na nakadisplay dito sa dashboard ng kotse ko.

"It's been 5 years, but its still you baby. I'm still waiting for you to come back. I won't get tired waiting for you milady." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa mukha niya.

Ilang oras din ang tinagal ng byahe ko bago ako nakarating sa destinasyon ko.

Nakita ko ang mga sasakyan ng mga kasama ko dito sa gilid ng kalsada kaya dito ko narin pinark ang sasakyan ko. Pagbaba ko, kinuha ko narin ang bulaklak at pumunta na sa kanila.

Nakita ko naman silang nakaupo sa damuhan at masayang nagkwekwentuhan.

"Cha malaki na si chester. Ang kulit kulit niya pero sobrang cute! Hinahanap ka nga niya e kaso busy sila tita chanel dun sa gallery kaya hindi nila madala si chester dito sayo." Rinig kong sabi ni sab

"Hey guys." Bati ko nang makalapit na ako sa kanila.

"At sa wakas narito na ang bebe mo cha. Apaka tagal dumating." Umirap pa sakin si thrix na ikinatawa ko

Nilapag ko ang bulaklak sa tabi ng lapida niya, kasama ang ibang bulaklak na dala nila sab.

"How are you love? Sorry i took so long to arrive. Dumaan kasi ako sa simbahan. Maingay nanaman ba sila dito at hindi ka makapag pahinga ng mabuti?" Kausap ko habang nakatingin sa lapida niya na may picture niya.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon