Chapter 8 : PROPOSAL

376 20 8
                                    

Flashback...



pumunta kami ni raphael sa lugar kung saan alam nyang gustong gusto kong pinupuntahan..

napahinga ako nang malalim habang hinahayaang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa dagat..

gustong gusto ko talaga yung simoy nang hangin sa dagat..

very relaxing pati yung view na makikita mo..

hindi masyadong tinatao to kaya gustong gusto ko din dito..
hindi pa kasi ata nadidiscover nang mga turista e.
buti nalang..

habang pinagmamasdan kong palubog yung araw ay naramdaman ko yung presensya ni ysmael sa likod ko..

dahan dahan syang lumapit sakin at saka nya ako niyakap mula sa likod..
napangiti naman ako habang hinawakan ko yung mga kamay nyang naka lock sa tyan ko..

" anong gusto mong theme kapag kinasal tayo? "

out of the blue nyang tanong sakin..
today is our fourth anniversary..
napangiti naman ako habang iniisip kung ano nga bang theme yung gusto ko kapag kinasal na ko sakanya...

" syempre beach wedding.. "

sagot ko sakanya at saka ako ulit napangiti habang pinagmamasdan ang paglubog nang araw..

" nagtatanong ka na agad nang theme nang kasal , e hindi ka pa nga nag p-propose.. "

biro ko pa sakanya..
narinig ko naman na mahina syang tumawa at saka dahan dahang inalis yung kamay nya sakin..


" then , let's get married.. "

sabi nya sakin..
unti unti naman akong lumingon sakanya at nakita ko syang nakaluhod sa harapan ko habang may hawak hawak na maliit na box na naglalaman nang diamond ring..

oh my god....
totoo ba to?

napahawak nalang ako sa dibdib ko habang tinitignan syang nakaluhod..

" will you spend all of your time with me ms.chloe morgan ? "

" or should i say mrs.chloe morgan ford? "

sabi pa nya habang nakangiting nakatingin sakin..
naluha naman ako at saka tumango tango..

" y-yes.. "

sagot ko pa sakanya..
nakita ko naman na sobrang laki nang ngiti nya at saka nya isinuot sakin yung sing sing..

tumayo sya at agad agad nya akong niyakap nang mahigpit..
i can't believe this..
akala ko nagbibiro lang sya kahapon na papakasalan nya ko..

tapos ngayon , eto na..
nag propose na sya..

humiwalay sya nang yakap sakin at dahan dahan nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko..

akala ko sa lips nya na ako i kikiss...
pero nasobrahan sya nang respeto kaya sa noo parin nya ako hinalikan...

never pa kaming nag kikiss sa lips sa four years naming pagsasama..
as in never.

" saka ko na hahalikan yan kapag asawa na kita. "

nakangiti nyang sabi sakin habang hawak hawak yung magkabilang pisngi ko...

i just can't believe na papakasalan ko yung first boyfriend ko..
well hindi lang sya first boyfriend..
great love ko din sya..
napangiti naman ako sa isipin iyon..

i'm finally marrying my ysmael soon!
wala lang , sobrang masaya lang ako ngayon...

habang pinagmamasdan naming pareho yung paglubog nang araw..
sa susunod na mga araw naman , sabay na naming aabangan ang pagsikat nito habang may masaya na kaming pamilya na nabuo..

" i love you chloe.. "

sabi nya sakin habang hawak hawak nya nang mahigpit yung kamay ko..

" i love you too... "

End of flashback..



nang mawala na sa paningin ko yung lalaking tumulong sakin ay saka ko lang narealize na ang tagal ko na palang nakatulala at nakatayo lang doon..

napa iling iling ako at saka nagsimula nang maglakad pabalik kay francis..
shocks..
baka namamalikmata lang naman siguro ako..

imposible naman na nandito sya diba?
ano namang gagawin nya dito?

pagbalik ko doon ay tumba na lahat nang kasamahan ko habang si francis ay nakaupo lang sa gitna nila at pinagmamasdan silang mga lasing..

nang makalapit ako ay nginitian ko sya at tumingin lang sya sakin na parang napapagod na agad..


" uwi na tayo? "

tanong ko sakanya..
tumayo naman sya sa pagkakaupo nya tapos inilagay nya yung kamay nya sa bewang nya na para syang nanay na stress na stress sa mga anak nyang lasinggero't lasinggera..

" pano naman natin iuuwi lahat nang to ha? "

tanong nya pa sakin..
sa sobrang dami nila ay malamang hindi talaga naming sila maiuuwi lahat..

buti nalang ay may hotel na katabi nitong bar , kaya doon nalang kami nagpalipas nang gabi..

dalawang kwarto yung kinuha ko para hindi sila masyadong siksikan doon..
tapos hiwalay pa yung ni rent ko sakin..

bali tatlo pala to..

si francis ay nandoon sakanila at tulog na din dahil sobra syang napagod...
habang ako nandito lang sa loob nang kwarto at umiinom nang wine habang pinagmamasdan yung buong new york city sa glass wall na kinuha ko..

hindi to basta bastang hotel ha..
five star hotel ko hindi naman sa pagmamayabang..

hindi naman na ko magsisinungaling sainyo..
yes malaki talaga yung kinikita ko ...
minsan every event na inaayos namin ay umaabot sa five million ...
tapos minsan kinukuha pa akong interior designer kaya hiwalay pa yon..

wala hardwork lang talaga para makamit mo yung mga gusto mo..
saka ginawa ko na din tong libangan para kahit papano ay makalimutan ko din sya paminsan minsan..


dahil hindi ako makatulog at sumasakit nang konti yung ulo ko ay lumabas ako nang kwarto ko..
syempre yung suot ko yung sexy dress parin..
hindi naman kami nakauwi e..

paglabas ko ay chineck ko muna sila francis at natawa nalang ako nang makita kong yung iba ay sa sahig na nakatulog..

inom pa nang marami..

napagdesisyunan kong umakyat sa rooftop para lumanghap nang sariwang polusyon..
nang makarating ako sa taas ay pang sosyal parin talaga yung taas nila..

may mga ilaw paakyat nang hagdan tapos nakatiles yon at malawak yung lugar..

sa gilid non ay may swimming pool na may mga tatlong tao nalang siguro yung nag s-swimming..

pumwesto ako sa may katapat noon pero malayo sakanila at saka ako humawak sa drills tapos tumingala sa taas..
at saka pumikit habang dinadama ko yung malamig na hangin na dumadapo sa katawan ko..

medyo malamig na din pero wala naman akong dalang kahit anong jacket e..

" bakit ganyan suot mo? "

pamilyar na boses na tanong sakin nang isang lalaking parang nasa likod ko..
akmang haharap na ko nang bigla syang magsalita..

" p-please , don't look back.. "

sabi nya sakin kaya hindi na ako humarap pa..
pinoy sya..
t-tapos parang kaboses nya si...

nagulat ako nang bigla nyang pinatong sakin yung coat nya to siguro..
tapos habang inaayos nya nang pagkakalagay yun ay hinaplos pa nya nang marahan yung buhok ko..

ilang minuto yung lumipas pero nakatalikod parin ako..
napagdesisyunan kong humarap pero wala nang katao tao sa buong lugar...

siguro nananaginip na ko...
panaginip lang nga siguro to.

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon