Chapter 42 : IMPORTANT

235 21 4
                                    




Chloe's p.o.v

thursday nang mga bandang 8:00 ay bigla akong nilamig..
hindi ko alam pero medyo nanghihina talaga ako..
para akong nasusuka na nahihilo..

pinatay ko yung aircon at saka kumuha ako nang comforter sa kwarto ko dahil kahit naka patay na yung aircon ay nilalamig parin ako..

napahinga ako nang malalim habang nakaupo sa sofa na nakatapat sa glass wall..
itinaas ko yung paa ko para magdikit yung katawan ko..

nanginginig na ko sa sobrang lamig nang may biglang tumawag sakin..
nung una ay tinignan ko lang yung phone ko na nag riring na nakapatong sa lamesa..
ayokong gumalaw..
nilalamig talaga ako nang sobra..


namatay yung phone ko tapos ilang minuto lang ay nag ring ulit yon..
pinilit kong tumayo para kunin yon at nung makarating ako ay nanginginig ko yong kinuha..

hindi ko na tinignan pa kung sino yon..
umupo ako sa sahig at saka ko sinagot yung tawag ..




"  hello chloe? "

sabi sa kabilang linya..
base sa boses nya , si raphael to.

" u-um? "

tipid na sagot ko nalang sakanya..

"  bakit ngayon mo lang sinagot yung tawag? "

parang naiirita pa nyang tanong sakin..
napabuga nalang ako nang hangin para medyo hindi ako lamigin..

" s-sorry. "

halos pabulong ko nang sagot sakanya..
nahihilo na ko..

"  chloe anong nangyari sayo? "
" okay ka lang ba? "

sunod sunod nyang tanong sakin.
hindi na ko nakasagot pa sa mga tanong nya dahil sa sobrang nahihilo na talaga ako nabitawan ko bigla yung phone ko at saka ako nawalan nang malay..








Raphael's p.o.v




habang nakaupo sa swivel chair ko ay naisipan kong tawagan si chloe..
na boboring kasi ako dito sa office , si veronica naman umalis din..

agad agad kong hinanap sa contacts ko yung number ni chloe..
nang makita ko yon ay napangiti nalang ako bigla at saka ko yon pina ring..



ilang minuto na ang nakakalipas nang hindi parin nya sinasagot yung tawag ko..
nag call ended nalang yon bigla at saka napakunot yung noo ko..

baka busy sya..
pero kahit naman anong busy non sasagutin nya parin yung tawag ko.

pina ring ko ulit yon at tatlong minuto naman yung nakalipas nang sagutin na nya yung call..


" hello chloe? "

paninimula ko pa..
hindi sya sumagot agad sakin..

"  u-um? "

halos walang boses pa nyang sagot sakin..
napakunot yung noo ko habang pinakikinggan sya..


" bakit ngayon mo lang sinagot yung tawag ? "

kunwaring pagalit ko pang tanong sakanya..
narinig ko naman syang parang napabuga nang hangin..

"  s-sorry. "

sagot naman nya..
fvck.
anong nangyari sakanya?
bakit ganito sya sumagot sakin?


THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon