Chapter 55 : THE BOAT

216 13 1
                                    

Chloe's p.o.v

" dalawang taon din naging patapon yung buhay ko ulit mula nung araw na yon. "

" gabi gabi akong umiinom , umiiyak kakaisip kung anong nagawa ko para iwanan mo ko.. "

nanatiling tikom yung bibig ko at pinakikinggan ko lang sya...

" buti nalang nakilala ko si veronica.. "

" sya yung sumagip sakin nung mga araw na kailangan kita.. "

" hindi nya ko hinahayaang maging malungkot.. "

" masaya ako kapag kasama ko sya.. "

" parang kulang yung araw ko kapag hindi ko sya nakikita.. "

dagdag pa nya..
napalunok ako nang marami at pinipilit kong hindi masaktan sa sinasabi nya..

" mahal nya ko chloe.. "

" sobra. "

" kaya hindi nagtagal nahulog din yung loob ko sakanya.. "

" naisipan ko nang mag propose kasi parang hindi ko na kayang mawala pa sya sakin.. "

magsasalita pa sana sya nang harapin ko na sya..

" sorry.. inaantok na ko e. "

sabi ko pa sakanya para matigil na sya sa pagsasalita..
napatingin sya sakin tapos napangiti..

" sige. "
" matulog ka na. "

maiksing nyang sambit sakin..
ipinatong ko yung ulo ko sa bintana at nagsimulang tumulo yung luha sa mga mata ko...

tinakpan ko nang buhok ko yung mukha ko para hindi nya makitang umiiyak ako..

ilang minuto pa ang nakalipas nang ihinto nya yung van...
hindi na ko gumalaw pa para isipin nyang nakatulog ako agad..

ipinikit ko nalang yung mga mata ko nang hawiin nya nang dahan dahan yung buhok ko at saka dumampi yung dalawa nyang daliri sa magkabilang pisngi ko para punasan yung mga luhang tumulo kanina...

dahan dahan akong dumilat at saka tumingin sakanya..
nakita ko lang syang nakangiti sakin habang inilalagay nya yung buhok ko sa gilid nang tenga ko para hindi humarang sa mukha ko yon..

tinitigan pa nya ko saglit habang nakangiti na parang natutuwa syang nakikita akong umiiyak..
grabe..
mas sumama pala talaga yung ugali nya ngayon.

umayos ulit sya nang upo at saka sinimulan ulit mag drive..
inayos ko yung sarili ko at saka tumingin nalang nang diretso sa daanan..

wala nang nagtangka pang magsalita saming dalawa..
binuksan nalang nya yung radyo nang kotse at napatingin ako doon nang magplay agad yung kanta..

" ikaw na ang may sabi..
na ako'y mahal mo rin. "

" at sinabi mo
na ang pag ibig mo'y di maglalaho.. "

" ngunit bakit..
sa t'wing ako'y lumalapit -... "

pinatay ko yon at napatingin sya sakin..
masama ko rin syang tinignan at saka inirapan..

" bat pinatay mo? "

tanong pa nya sakin..
umirap ako habang nakatingin sa daanan..

" ang panget nang kanta. "

sagot ko pa sakanya..
narinig ko naman syang mahinang tumawa..

tinignan ko sya nang masama at ibinalik nya ulit yung mukha nya sa seryoso..
ano bang trip nitong nilalang na to?

minsan mabait sakin..
minsan di ako pinapansin..
pero madalas , gusto nyang sirain yung araw ko.

hindi na talaga ako umimik pa at sa wakas ay nakarating na kami sa pier kung saan may nirentahang bangka sila francis..

3:00 na nang madaling araw nang makarating kami..

nagising na silang lahat at saka na ko bumaba agad..

nakita ko yung apat na bangka doon na naghihintay ..
bakit kasi hindi pwedeng i diretso nalang namin yung daan para madala din yung van e.

isa isa na din silang bumaba at saka inilipat lahat nang gamit doon sa dalawang bangka..
hindi kasi kakayanin nang isang bangka lang dahil medyo marami..

medyo malaki din naman yung bangka na nirentahan kaya okay lang ..

lumapit ako kay francis at saka ko sya kinalabit..

" bakit kasi kailangan pa nating magbangka? "

tanong ko pa sakanya..
pumamewang naman sya sa harapan ko at saka ako tinignan..

" sige te.. paandarin mo yung kotse papunta sa kabila.. "

sabay nguso pa doon sa dulo nang dagat..
napatingin ulit ako sakanya..

" wala bang way papunta doon gamit tong van? "

tanong ko pa sakanya..
bumuntong hininga naman sya na parang pagod na pagod..

" wala mars.. eto lang talaga yung way para makalampas tayo doon. "

sabi pa nya sakin..
napatingin naman ako sa van na nirentahan namin..

" eh pano tong van ? pano kung manakaw to? "

tanong ko pa sakanya lumingon naman sya doon sa may malaking bahay na katapat nang dagat..

" ayan.. nakikita mo yang bahay na yan? "

" dyan natin itatago muna tong van habang nasa island tayo.  "

sabi pa nya sakin habang nakatingin kaming dalawa doon sa malaking bahay na mukhang haunted house..

sumakay na silang lahat doon sa dalawa pang bangka at nauna na yung mga gamit namin samin..

may lalaking kinausap si francis tapos ay sumakay sa van at saka ipinasok na doon sa nakabukas na gate nang malaking bahay .

" ikaw na muna bahala dyan mang toying ha? "

sabi pa ni francis tapos ay tumango tango lang yung lalaking medyo may edad na..
inaya na ko ni francis na sumakay kasi isang bangka nalang yung naka park doon ..
umandar na din yung isa kung saan nadoon yung pito naming kasamahan..

pwede daw kasi hanggang walo yung sumakay..
tapos dito naman sa sasakyan namin ay si veronica , raphael saka yung magpapaandar lang yung nakasakay..

pwede pa tatlo dito e..
ayaw ba nila kaming kasama?

tumitig muna ako doon sa bangka na sasakyan namin ni francis...

nauna na syang maglakad papunta doon habang ako ay tulala lang...
pucha naman.
sana pala doon nalang ako sumakay sa isa e.

nabalik ako sa wisyo nang harapin ako ni francis at saka nya iwinagayway yung dalawa nyang kamay sa mukha ko..

" hoi halika na.. "
" ano tutunganga ka nalang dyan ha? "

maloko pa nyang tanong sakin..
napatingin ako sakanya nang tumingin sakin si raphael at veronica..

" dyan tayo sasakay? "

parang timang ko pang tanong sakanya..
napatingin naman sya doon at saka ibinalik yung tingin sakin..

" hindi mars.. kami lang sasakay dyan tapos lalanguyin mo nang tatlong oras yung dagat papunta doon sa kabila. "

pabalang naman nyang sagot sakin..
binatukan ko sya at saka ko naunang maglakad papunta doon..

kinakabahan kasi ako sa dalawang to e..
mamaya biglang mag sweet sweetan nanaman ang mga dep*ta.

medyo matarik yung daanan bago ka makapunta sa bangka..
inalalayan ako ni francis agad at nang makahakbang ako doon..

ay biglang nawalan ako nang balanse tapos napaupo ako sa lap ni raphael na parang sinalo nya ako dahil nakahawak pa sya sa bewang ko..

napalunok nalang ako nang mapatitig ako sa mata nya..

sana sa sahig nalang ako nang bangka bumagsak.

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon