Chloe's p.o.v
parang unti unti naman akong nauubusan nang hininga sa sobrang init..
" hey chloe.. okay ka pa ba? "
nag aalalang tanong ni raphael sakin..
pinilit kong humiwalay sakanya at saka tumango tango..
kailangan kong madistract para makalimutan kong na stock kaming dalawa sa elevator na to.." magkwento ka nga. "
sabi ko pa sakanya..
tinignan lang nya ako na parang nagtataka taka pa nung una at saka din tumango tango..habang nakasandal kaming dalawa at nakaupo lang ay tinanong nya ko..
" ano bang gusto mong kwento? "
tanong pa nya sakin..
tinignan ko lang sya saglit at saka huminga nang malalim.." kahit ano. "
maiksing sagot ko pa..
tumango tango sya ulit
narinig ko syang bumuntong hininga muna bago magsalita.." so , uhm.. i have a friend.. "
pag uumpisa pa nya..
ipinikit ko nalang yung mata ko at saka ko isinandal yung ulo ko sa may wall habang nakikinig sa kwento nya" na kinain nya yung aso nya. "
sabi pa nya na naging dahilan nang pagdilat ko..
" kadiri ka naman e. "
sabi ko pa sakanya at saka napatawa lang sya habang nakatingin sakin..
" yung maayos kasi. "
dagdag ko pa..
" eto naman , nagbibiro lang naman e.. "
" oh sige seryoso na. "
sabi nya sakin..
at saka ulit ako napapikit.." i have a friend.. "
" 8 years ago.. may nakilala syang babae.. "
" sabi nya sakin.. sobrang ganda daw non , maputi.. matangos ilong , mapula yung labi , makapal yung kilay , mahaba yung buhok , 5'5 yung height.. "
" at higit sa lahat , sobrang ganda nang mga mata nya.. "
" daw. "
" yung kaibigan ko na yon.. sobrang tarantado.. umiinom nang alak , nag yoyosi , babaero.. pero gwapo din naman sya.. "
" mula noong nakita daw nya yung babaeng yun.. hindi nya alam kung bakit , pero sobrang tinamaan sya nang sobra.. "
" kaya lang , ayaw sakanya non kahit na sobrang daming babae yung naghahabol sakanya.. "
paninimula pa nya..
" pero dahil nga sobrang tinamaan sya don , niligawan parin nya.. "
" ayaw non sa mabisyo.. kaya naman habang nililigawan nya yon , unti unti nyang tinanggal sa sistema nya lahat nang bisyong ginagawa nya noon.. "
" sobrang binago talaga sya nung babaeng yon.. "
" parang sabi nya ata sakin mahigit six months nyang niligawan yon. "
" mula pa nung niligawan nya yung babaeng yon , yung dating babaero.. nag focus nalang sa isang babae.. "
dagdag pa nya..
narinig ko naman syang bumuntong hininga.." pagtapos nang mahigit anim na buwan.. sinagot na sya nung babae. "
" sobrang saya nya daw noong araw na yon. "
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...