Chapter 64 : 4 MINUTES

224 23 4
                                    

Chloe's p.o.v

" ms.morgan.. "

" yung ulo nyo po ay pakipatong nalang sa may balikat ni mr.ford tapos yung isa nyo pong kamay , ay pakilagay sa may likod nya.. "

" yung isang kamay nyo naman po ay pakilagay nalang po sa may dibdib nya na parang hinahaplos nyo po.. "

pag eexplain pa ni katie samin nang pose..
napalunok nalang akong tinitignan si katie..

tang-...

" oh? bakit ganyan itsura mo chloe? "
" hindi mo ata kaya e.. "

nakataas na kilay na sabi pa ni cecilia sakin..
agad naman kaming napatingin sakanya..

tumawa pa sya nang mahina at saka umirap sakin tapos ay ibinalik din nya yung tingin nya sakin..

" gusto mo ako nalang yung gumawa? "

nagmamataray pa nyang tanong sakin..
napataas nalang din ako nang kilay habang pinakikinggan sya..

napadako naman yung tingin ko kay veronica na umiiling iling na para gusto nyang sabihin sakin na ' gawin ko nalang '

syempre bago ko dapat gawin yung gusto ni katie..
mamalditahan ko muna si cecilia..
maldita sya e..
pero syempre mas maldita parin ako sakanya.

napatawa ako nang mahina habang nakahawak parin si raphael sa likod ko..
ano yan?
may pandikit?
di muna pwedeng tanggalin hanggat di pa nag uumpisa?

tinignan ko si cecilia na nakatingin lang sakin at parang wala nang balak ibaba yung kilay nyang mapagmataas.

nginitian ko lang sya nang matamis..

" gusto mo ? "

mapang asar kong tanong sakanya..
tinignan din nya ako at napangisi..
yung mga tao naman dito ay hindi umiimik at pinanonood lang kaming dalawa..

" sumabog yung mukha mo? "

maangas pa nyang sagot sakin..
napatawa naman ako nang mahina..
tsk tsk tsk..

luma na yang line na yan e..
napairap ako sa kawalan at saka ko sya tinignan..

" syempre mas mauuna akong pasabugin yang mukha mo "

mataray ko sabi sakanya at saka ko pa sya hinead to toe..

" gusto mo 1 MILLION times ko pang pasabugin yan e. "

dagdag ko pa..
halata naman sa mukha nyang parang nagulat sya sa pa 1 MILLION ko..

inirapan ko sya at saka tumingin nalang kay katie..

" gagawin ko na. "

sabi ko pa sakanya..
tinignan ko si raphael na parang wala lang sakanya na magkalapit nang sobrang lapit yung katawan naming dalawa...

ano ka ba chloe.
act normal.
kung sakanya nga parang wala lang e.
bakit sayo parang big deal ha?

napalunok ako at saka kumapit na sa polo nyang nakabukas yung tatlong butones kaya medyo makikita mo dito yung pagawaan nang tinapay..

kuha ka na nang palaman.

tumingin naman ako kay katie na parang napapangiti ngiti pa habang tinitignan kaming dalawa..

sinitsitan ko naman sya kaya nabalik sya agad sa wisyo..

" d-diba ganito? "

tanong ko pa sakanya..
napatango tango naman sya sakin at dali daling lumapit tapos ay inayos nya yung buhok ko at saka inalalayan nya yung ulo ko na dahan dahang inihihiga nya sa balikat ni raphael...

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon