Chapter 5 : DEEP TALKS

396 21 1
                                    


Chloe's p.o.v



" hi handsome.. "

mamula mula pang sabi nung magandang babae sakanya..
pigil na pigil naman yung tawa ko nang biglang kumunot yung noo nya doon sa babae tapos ay inirapan nya..

luh sya?
HAHAHAHAHAHHAHA

para namang medyo naguluhan din yung babae at saka nya tinuro si francis nang nakakunot din yung noo..

" is he a gay? "

naguguluhan nyang tanong..
napangiti naman ako nang dahan dahan at saka unti unting tumango..

nagulat ako nang bigla akong hilahin ni francis at umandar na yung pila kaya malapit na kaming makapasok..

naiwan parin yung babaeng nakatunganga tapos nilingon ko sya ulit at saka nag wave..


" bye , i'm sorry! "

sabi ko pa habang naglalakad patalikod..
dahan dahan naman syang nag wave back at saka na ko iniharap ni francis para makapaglakad nang maayos..

" punyeta kang babae ka. binubugaw mo na pala ako don sa posteng yon. "

sabi nya pa sakin habang nasa likuran ko sya at nakahawak sya sa bewang ko..
hindi na ko nagtangka pang lumingon kasi mamaya pag lingon ko mahalikan ko na talaga sya e..

" eh malay ko bang bet ka non? ayaw mo yon handsome ka? "

pang aasar ko pa sakanya..
tuluyan na kaming nakapasok at tumambad samin ang iba't ibang kulay nang ilaw na para kang hihibangin...

malakas din yung music sa loob kaya hindi na kami nagkakarinigan masyado..

nang tuluyan kaming makapasok sa dance floor ay makikita mo yung ibang babae na sobrang wild na habang nagsasayaw sa gitna..

yung iba nga kulang nalang ilabas na yung dalawang bulubundikin at idikit sa mga mababatong dibdib nung mga kasayaw nila e..


jusko hindi ako magpapakalasing nang ganyan..
never..
never again.


nakahanap kami nang mauupuan at nagsimula nang umorder ng mga drinks..

nakikita ko naman yung mga kasamahan ko sa work na nag eenjoy talaga sila..


" WAG KAYONG MAHIYANG UMINOM AT SUMAYAW HA?! KAHIT IWAN NYO NA KO DITO MAG ISA! BASTA MAG ENJOY KAYOO! "

Sigaw ko pa sakanila..
napa thumbs up naman sila sakin habang ang lalaki ang mga ngiti nila..

kahit kailan hindi ko pinaramdam sakanila na  boss nila ako..
sabi ko pa nga sakanila chloe nalang yung itawag sakin pero wag na daw..
masyado na daw nakakahiya yun...

kay yung tawag nila sakin , ms.morgan nalang..
wala na din naman akong nagawa..
pinayagan ko nalang sila , basta ang turing ko sakanila is mga tunay kong kaibigan..

pero si francis..
hindi ko lang sya kaibigan..
pamilya ko sya..

habang nakaka ilang bote na sila ay pinanonood ko lang silang malasing..
si francis naman parang hindi nag eenjoy kasi puro pulutan lang yung target nya..

kinalabit ko sya at agad naman syang napatingin sakin..

" uminom ka gaga. "

sabi ko pa..
inirapan lang nya ako at saka bumalik yung tingin nya sa pagkaing nilalantakan nya..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon