Chloe's p.o.v
habang bumababa kami nang hagdan ay pabigat na nang pabigat yung hakbang ko..
napapagod na ko punyeta..gusto ko nalang mag slide dito sa hawakan e..
nasa 15th floor palang kaming dalawa habang naka heels pa kong bumababa nang hagdan...napahinga nalang muna ako nang malalim at saka umupo nalang doon sa hagdan..
napalingon naman si raphael sakin at saka napatawa..
umakyat ulit sya at saka umupo din sa tabi ko pero may distansya parin.." wala na bang elevator bukod doon sa sira? "
tanong ko pa sakanya habang pinupunasan ko yung pawis ko gamit yung kamay ko..
sumandal pa sya sa hagdan na kala mo ay nag p-photoshoot sya.." meron pa. "
kaswal na sabi pa nya sakin..
napatigin naman ako sakanya nang masama tapos ay umiwas sya nang tingin sakin.." pero sarado na.. , anong oras na e. "
sabi pa ulit nya..
what the fvck?" tawagan mo kaya? boss ka dito diba? o kaya bakit hindi mo sinabi doon sa operator kanina ha? "
galit ko pang sabi sakanya..
umayos naman sya nang upo at saka parang problemado pa nyang inilagay yung kamay nya sa ulo nya.." chloe ,chloe chloe.. "
pagtawag nya pa sa pangalan ko habang umiiling..
napatingin naman ako sakanya na parang natatanga..tinitigan nya ko sa mata habang ako ay nakakunot yung noo na nakatingin din sakanya.
" oh my gosh chloe. "
sabi pa nya sakin..
hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti nang sabihin nya yung oh my gosh..nakita ko naman syang napangiti din..
" para kang tanga raphael. "
maiksing sambit ko pa sakanya..
napakamot naman sya sa ulo tapos ay pumangalongbaba pa sya habang nakatingin sakin.." alam ko chloe. "
pabiro pa nyang sabi sakin..
tumayo naman sya at sinundan ko lang sya nang tingin kung saan sya pupunta..napakunot naman yung noo ko nang pumunta sya sa harapan ko at saka umupo doon..
" sakay na madam morgan. "
sabi pa nya sakin..
tinitigan ko lang yung likod nya at ilang minuto pa ang nakalipas ay humarap ulit sya sakin habang nakaupo sa may harapan ko.." uy madam.. ano na? ayaw mo ha? "
tanong pa nya sakin..
akmang tatayo na sana sya nang bigla akong sumakay sa likod nya.." subukan mong sabihing mabigat ako boss raphael. "
" hindi ka na sisikatan nang araw bukas. "
pagbibiro ko pa sakanya..
narinig ko namang mahina syang tumawa at saka buong pwersa yung binigay nya habang tumatayo sya at karga karga nya ko sa likod.." p-pucha.. ang bigat ko. "
sabi pa nya habang hawak hawak nya yung legs ko para alalayan yon..
kinaltukan ko namang sya nang mahina at saka na sya nagpatuloy na bumaba..
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomantikHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...