Chloe's p.o.v
" hatid na kita sainyo. "
nakangiti nyang sabi sakin..
umiling iling nalang ako sakanya at ngumiti.." h-hindi na ano ka ba. "
" malapit lang naman yung room ko dito e. "
" sige na , balik ka na sainyo.. "nakangiti kong sabi sakanya..
nginitian nalang nya ako tapos tinitigan pa nya ako nang ilang segundo at saka sya bumuntong hininga.." s-sige.. "
" una na ko , ingat ka. "sabi nya sakin tapos ay patalikod syang naglakad at saka tuluyan nang tumalikod at naglakad palayo sakin..
napahinga nalang ako nang malalim at saka napalunok..
naglakad nalang ako pabalik sa room namin at saka ko inilagay yung dalawa kong kamay sa likod ko..habang binabaybay yung daan pabalik samin ay bigla nalang akong napatigil at biglang kinabahan..
lumingon lingon pa ko pero halos wala na akong makitang tao bukod sakin na naglalakad...
napahawak nalang ako sa dibdib ko at saka napapikit..para kasing nararamdaman kong may sumusunod sakin e.
pero mukhang wala naman..napailing iling nalang ako at saka nagpatuloy ulit sa paglalakad..
nang makatatlong hakbang na ako ay napaatras nalang ako at napatingin sa lalaking humarang sakin..nanlaki naman yung mata ko nang makita kong sya yung lalaki kanina na tingin nang tingin sakin tapos yung lalaking hinead to toe ako nung bumibili ako nang keychain..
pinilit kong pakalmahin yung sarili ko nang makita ko nanaman syang nakangiti nanaman sakin nang nakakatakot..
" hi. "
" akala mo siguro matataguan mo ko annika? "sabi nya sakin habang nakakatakot pa yung tono nang pagkakasabi nya non at saka unti unti na rin syang umaabante para makalapit sakin..
" s-sorry.. "
" mukhang nagkakamali ka ata..."" h-hindi ako si annika , m-my n-name is c-chloe. "
nauutal at natatakot kong paliwanag sakanya...
napatigil naman sya sa paglalakad tapos umiwas nang tingin at saka sya napangisi habang dahan dahan nanaman nyang ibinabaling yung tingin nya sakin.." ah ganon ba? "
parang baliw pa nyang tanong sakin..
napabuntong hininga naman ako at napalunok tapos ay dahan dahan akong tumango tango sakanya.." p-pwede bang pa-padaan na.. "
" k-kasi baka hinahanap na ko nang b-boyfriend ko e. "sabi ko nalang sakanya hahakbang na sana ako nang bigla nya kong sampalin nang malakad na naging dahilan nang pagkaupo ko sa buhangin..
napahawak nalang ako sa pisngi kong yon at saka tumulo nang kusa yung luha ko dahil sa sobrang sakit at lakas nang pagkakasampal nya..
" sinasabi ko na nga ba.. "
" nanlalaki ka! "
" walang hiya kang babae ka! "" paparusahan kita nang sobra! "
galit na galit nyang sabi sakin at walang ano-ano'y binuhat nya ako at saka dinala sa kung saan..
hindi ako makapalag sakanya nang malakas dahil sobra akong nanghina nung sinampal nya ako..
" a-ano b-ba , b-bitawan mo ko.. "
" h-hindi ako si annika , m-maawa ka s-sakin. "
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...