Chloe's p.o.v
nang makarating kami doon sa kanto..
wala na yung tindahan nang kwek kwek..
sobrang ibang iba na ngayon yon..
milktea shop na sya ngayon..dalawa kaming napatigil at tumitig lang doon sa milktea shop..
dahan dahan akong napatingin sakanya at napatingin din sya sakin..." g-grabe.. ganon na ba katagal yung four years? "
tanong ko pa sakanya..
napatingin ulit sya sa milktea shop na nakatirik na doon sa may kanto na dating tindahan nang mga kwek kwek at fishball.." mukha nga. "
maiksi nyang sambit sakin habang nakatingin lang doon sa milktea shop..
habang nakatulala kaming dalawa ay biglang may tumawag sa pangalan ko .." chloe? "
" hui chloe! dito! "sigaw pa nung boses nung medyo matandang babae...
hinahanap ko kung nasaan yung boses hanggang sa matanaw ko si aling marites na nagtitinda nang kwek kwek at fishball dati dito sa kinatitirikan nang milktea shop na to..shet umadjust lang naman pala sya nang konti e..
kinalabit ko si raphael at saka ko itinuro si aling marites..agad agad naman kaming pumunta sakanya at sobrang laki nang ngiti nya saming dalawa..
" nako! kayo na bang dalawa yan? "
" ung dating highschool student na nagliligawan dito sa tapat nang kwek kwekan ko? "masaya pa nyang tanong samin..
napangiti naman ako sakanya..
at tinignan yung mga kwek kwek nyang sobrang masasarap." ano ilang taon na kayo ngayon? may anak na siguro kayo no? "
tanong pa nya samin..
napangiti naman ako nang peke sakanya at napatingin kay raphael na parang kaswal na kaswal lang syang nakatingin sa mga tinda ni aling marites.." ay hahaha , hiwalay na po kami. "
pekeng nakangiti ko pang sagot sakanya..
bigla naman syang nagulat sa sinabi ko.." hala? totoo ba? "
tanong pa nya saming dalawa..
napatango tango nalang ako sakanya.." opo hahaha ikakasal na nga po sya e.. "
sabi ko pa habang sa kwek kwek nalang yung focus nang mata ko..
magsasalita pa sana sya nang unahan ko na sya agad.." magkano po kwek kwek aling marites? "
nakangiti ko pang tanong sakanya..
" tatlong piso isa.. "
sabi pa nya..
tinignan ko naman si raphael at napatingin din sya sakin..." sige po.. tig sampung piraso. "
sabi ko pa at parang nagulat naman bigla si raphael na tumingin sakin..
tinaas ko naman yung kilay ko habang nakatingin sakanya..
" oh bakit? high blood ka ba? "
tanong ko pa sakanya..
napasinghap naman sya at saka tumingin sa kwek kwek.." hindi no , anong akala mo sakin? matanda na? "
tanong pa nya at saka iniabot ni aling marites yung baso na may lamang sampung pirasong kwek kwek sakin..
ibinigay ko muna yon sakanya at saka sya naglagay nang suka at sauce na maanghang..
ibinigay naman sakin ni aling marites yung isang baso din na may sampung piraso nang kwek kwek at saka ko yon nilagyan nang suka at sauce na matamis..
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...