Chapter 66 : 5 HOURS

213 19 4
                                    

Chloe's p.o.v

" r-raphael.. "
" ano bang pinagsasabi mo ha? "

tanong ko sakanya at saka tinulak ko sya palayo..
napangisi nalang sya at saka tinitigan ako sa mata..

" bakit ba pinahihirapan mo nang ganito yung sarili mo ? "

sabi pa nya sakin at saka tumingin sa ibang direksyon..

" mahal mo pa ba ko chloe? "

seryoso pa nyang dagdag na sabi at dahan dahang tumingin sakin..

tinitigan ko lang yung mata nya at napalunok nalang dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya..

" ANO CHLOE?! SUMAG-... "

sigaw pa nya sakin kaya napapikit nalang ako at saka ako sumigaw.

" HINDI NA RAPHAEL! "

sabi ko pa sakanya ..
ilang minuto na ang lumipas at wala akong narinig sakanya kahit isang salita..
dahan dahan akong dumilat at saka nakita ko syang nakatingin lang nang diretso sa mata ko..

pagdilat na pagdilat ko naman ay tumulo nanaman yung luha ko sa kanang mata ko..

napabuntong hininga naman sya at saka tumango tango pa at nginitian pa ko nang mapait..

napayuko nalang ako pero lumapit sya sakin at iniangat nya yung ulo ko at tinitigan ako sa mata..

dahan dahan naman nyang idinampi yung daliri nya sa pisngi ko at nakita ko syang napalunok pa habang dahan dahan nyang pinupunasan yung luha sa mata ko..

" o-okay.. "
" m-mula bukas... "

paninimula pa nya at saka nya ako niyakap nang mahigpit..

" iiwasan na kita.. "
" gagawin ko na yung gusto mo chloe.. "

mapait pa nyang pagkakasabi habang nakayakap sya sakin..
para namang nanikip bigla yung dibdib ko sa sinabi nya..

itutulak ko na sana sya palayo sakin nang bigla syang magsalita...

" p-please.. "
" d-don't move .. "

parang naiiyak nyang sabi sakin kaya hindi na ko gumalaw pa..

" 5 minutes lang chloe.. "
" 5 minutes lang , tapos p-papakawalan na kita. "

sabi nya sakin at naramdaman ko namang tumulo yung luha nya sa likod ko kaya naman napayakap nalang din ako sakanya nang mahigpit.

" namiss kita nang sobra.. "

" ang tagal kong pinigil yung sarili kong gawin yung ganito kahigpit na yakap sayo.. "

" pero hindi ko na matiis yung sarili ko ngayon.. "

sabi pa nya habang nakapatong yung ulo nya sa balikat ko..
r-raphael...
i-ikakasal ka na diba?

b-bakit ganito ka sakin?
b-bakit parang nararamdaman ko ngayon na mas mahal mo ko kay veronica?

t-tama ba tong nararamdaman kong 'to?

" r-raphael.. "
" i-ikakasal ka na diba? "

pagpapaalala ko pa sakanya..
naramdaman ko naman syang napatango tango nalang habang nasa balikat ko parin yung ulo nya...

" i-i know... "

maiksi nyang sagot sakin..
humiwalay naman sya nang yakap sakin at saka tinitigan nya ko sa mata..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon