Chapter 61 : GAME

237 17 2
                                    

Chloe's p.o.v

" hi raphael! long time no see. "

masayang bati pa nya kay raphael tapos hinalikan nya agad yon sa pisngi..
nagulat naman si raphael at napatingin sakin...
matalim ko lang na tinitigan si cecilia habang enjoy na enjoy sya sa kakatihan nya.

napahigpit naman yung hawak ko sa kamay ni veronica at saka ako napatingin sakanya..
para syang natatakot na hindi ko maintindihan...

magkakilala ba sa sila?

tumayo si cecilia at saka tumingin sakin..
tinitigan ko lang din sya habang walang mababakas na kahit anong reaksiyon sa mukha ko...

may takip din katawan nya nang parang sakin kaya tago din yung katawan nya..

" tara swimming tayo. "

maiksi nyang sambit tapos ay inilaglag nya yung suot suot nyang balabal at tumambad saming lahat yung color black nyang one piece na backless yung likod..

napatingin naman ako kay raphael pero nagulat ako nang nasakin lang yung tingin nya...
himala?
bakit parang hindi sya natutukso sa katawan nitong babaeng to?

yung ibang tao ay napatingin sakanya at parang pinagbubulungan pa sya ..
ah , gusto ata nang atensyon...

" oh chloe? "
" hindi mo ba huhubarin yang nakabalot sa katawan mo? "

sarcastic nyang tanong sakin
napangisi ako at saka napabitaw kay veronica..
napansin ko naman yung mga kasamahan ko na napatigil sa pagsasaya at na samin yung atensyon nila..

nag cross arms lang ako habang tumingala at saka napapikit nang konti dahil sa sinag nang araw..

" baka naman ayaw mong ipakita yung katawan mo kasi tumaba ka na? "

pang iinsulto pa nya sakin..
dahil nagpantig yung tenga ko sa sinabi nya ay dahan dahan kong inangat yung shades ko at saka inilagay yon sa may ulo ko..

ngumiti ako sakanya habang hinihead to toe ko sya..
sya naman ay naka taas yung kilay sakin habang nakapamewang..

napaiwas naman ako nang tingin saglit at saka napatawa tapos tinignan ulit sya..

dahan dahan kong hinubad yung tela na nakaharang sa katawan ko..

" alam mo ba yung trending na phrase ngayon cecilia? "

sabi ko pa sakanya at tuluyan ko nang inilaglag sa buhangin yung puting blaser ko..
hinead to toe ko ulit sya nang mapansin kong nanlaki yung mata nya nang makita na nya yung katawan ko..

napatingin naman ako sa paligid ko at parang nakuha ata nang pulang bikini ko yung mga atensyon nila..

sa totoo lang ayoko talaga hubarin yan e..
kaya lang pinilit nya kasi ako...

" chubby is the new sexy na cecilia. "
" kaya tumabi tabi ka sa dadaanan ko.. "

mataray ko pang sabi sakanya..
napatingin naman ako kay raphael na busing busy na pinagmamasdan yung katawan ko tapos napaiwas sya agad at napalunok..

hindi na nya napigil yung sarili nya at saka uminom sya nang tubig..

tumingin ako ulit kay cecilia na hindi na nakapagsalita pa..

" ano? tatayo ka nalang ba dyan? "

tanong ko pa sakanya..
nginitian ko sya at saka sya napalunok sa pagkakapahiya ko sakanya..

tumalikod ako at saka hinila si veronica sa papunta sa dagat..

bwisit na babae yan.
pinilit akong maghubad e..
yan tuloy natulala yung isa..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon