Chloe's p.o.v
" a-ano , okay lang naman akong mag isa.. "
" mukhang kaya ko naman hehe.. "sabi ko kay veronica habang patuloy sya sa pagkaladkad sakin..
hindi nya ko binitiwan at parang hindi rin nya ko papakinggan..napatigil naman sya sa paglalakad at saka hinarap ako..
" ayaw mo ba akong kasama ha? "
tanong nya sakin habang nakakunot yung noo nya..
napalunok naman ako at saka tinignan sya..ikaw oo , gusto kitang kasama..
except lang sa impaktong extra.napatawa nalang ako nang hilaw habang tinitignan sya..
" h-hindi naman sa ganon veronica.. "
nahihiya kong sabi sakanya..
ngumiti naman sya agad sakin at saka nya ulit ikinawit yung braso nya sa braso ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad.." yun naman pala e , tara na. "
pag aya pa nya sakin habang naglalakad narin sya..
mukhang wala naman na din akong magagawa..saka baka maligaw din kasi ako..
atleast pag may kasama ako , sama sama kaming maliligaw.hindi ako masyadong matatakot pag ganun , hehe.
habang naglalakad kami ay nasa likuran lang namin si raphael , at wala akong balak na lingunin sya.
nang malapit na kaming makalabas nang resort ay nakasalubong namin si tino na lumabas kung saan..
" uy chloe.. "
" lalabas kayo? "nakangiti nyang tanong sakin..
napahinto naman kami sa paglalakad at saka nginitian din sya.." oo , may bibilhin lang kami sa labas.. "
sagot ko nalang sakanya at saka sya napatango tango..
" gusto nyo samahan ko na kayo? "
" tutal lalabas din kasi ako ngayon.. "
" saka baka maligaw kayo e. "sabi pa nya sakin..
biglang lumaki naman yung ngiti ko sakanya dahil may mapa na kami sa wakas..magsasalita na sana ako nang biglang..
" hindi na , kaya na naming tatlo lumabas. "
malamig na tonong sabi ni raphael mula sa likuran namin..
napahinga naman ako nang malalim at unti unti kaming napalingon ni veronica sakanya..pero sya..
nakatitig lang kay tino habang nakapamulsa..bwisit na to.
napakasama nang ugali.pagtapos syang titigan nang masama kahit hindi nya ako tinitignan ay agad agad akong lumingon kay tino at saka ngumiti..
" oo naman , sama ka samin. "
" hindi rin naman kami masyadong familiar sa lugar e. "nakangiti kong sabi sakanya at saka binalingan si veronica na parang tulala lang na nakatitig kay tino..
nang mapatingin naman sya sakin ay agad agad ko syang nginitian pero pinanlakihan nang mata..
" diba veronica? "
" hindi tayo familiar sa lugar na to diba?! "may halong pananakot na sabi ko sakanya..
peste kasi yung fiancé mo e.
napakamaldito.napatawa naman sya nang hilaw at napakamot nalang tapos ay lumingon muna kay raphael bago nya tinignan si tino..
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...