Chapter 74 : MAID OF HONOR

255 15 6
                                    

Chloe's p.o.v

natawa nalang ako nang hilaw habang tinitignan silang dalawa..

" syempre ikaw yung wedding planner nila.. "
" so dapat maganda rin yung susuotin mo katulad nang babagay sa mukha mo diba? "

sabi pa ni sarah tapos lumingon pa sya kay veronica na para bang kinukuha pa nya yung simpatya nito..

aba..
bakit parang , ano..
parang bigla atang bumait si sarah kay veronica?

diba last time , kung ano anong sinasabi nya tungkol dito kay veronica?
sa naaalala ko pa nga noon , parang sinabihan pa nya nang maarte to e..

" yes of course.. "
" and chloe... "
" nga pala , nahihiya kasi akong itanong sayo
to e.. "

sabi naman ni veronica mula sa likod kaya naman napalingon ako sakanya..
base sa reaksyon nang mukha nya..
mukhang nahihiya nga talaga sya..

nginitian ko nalang sya at initay yung susunod nyang sasabihin...

" pwede bang ikaw nalang yung maid of honor sa kasal namin? "

nahihiyang tanong pa nya sakin..
parang bigla namang napatigil yung mundo ko at ilang minuto pa ay natawa nalang ako nang mahina sakanya..

" a-ay hahaha.. "
" h-hindi ko kasi sure yan veronica.. "

nauutal ko naman sagot sakanya tapos ay napakamot nalang ako sa ulo..

" kasi nakabook na ko nang flight sa mismong wedding day nyong dalawa pabalik nang australia e. "

sabi ko nalang sakanya , kahit na ang totoo ay mag b-book palang talaga ako..

" what? "

" babalik ka parin nang australia? "

napatingin naman ako kay raphael na paranf gulat na gulat yung reaksyon..
b-bakit?

wala naman na akong gagawin dito pagtapos nang project ko sakanila e..
malay mo sa australia meron pang magpabook sakin doon nang wedding event tapos tatawagan ko nalang sila francis para bumalik din doon..


" yes.. "
" nakaplano na kasi talaga yan bago palang ako makabalik ulit dito. "

nakangiting sagot ko nalang sakanila..
nakita ko naman si veronica na parang nag iba yung reaksyon nang mukha..

" a-aalis din kayong lahat kapag kinasal na ko? "

" g-grabe naman kayo sakin , ang bilis nyo naman akong iwanan. "

parang naiiyak pa nyang sabi sakin..
nataranta naman ako bigla at napahawak naman ako agad sa kamay nya..

" a-ano ka ba.. "
" ako lang naman yung mauuna.. "

" sila francis , mag s-stay pa dito nang matagal tagal.. "

nahihilaw na tawang sabi ko nalang sakanya..
shocks..
tama ba na sinabi ko sakanila agad to?

baka hindi ako matuloy e.

" pero aalis ka chloe.. "

" iiwan mo na kami. "

sabi pa nya at tuluyan na syang naiyak..
para namang bigla akong naguilty kaya napatingin ako kay sarah na malungkot na rin agad habang tinitignan ako..

ibinaling ko nalang ulit yung tingin ko kay veronica tapos bumaba ako nang kotse para puntahan sya doon sa backseat..

" h-huy ano ka ba.. "

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon