Chapter 28 : STONE

271 19 5
                                    



Chloe's p.o.v

pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain..
at ako naman ay habang sumisipsip lang nang softdrinks..

nagutom siguro ulit..
kahit ako din naman nagutom ulit e..
hindi rin kasi ako nakakain nang maayos kanina sa dinner e..




" gusto mo? "

pag aalok pa nya sakin habang ngumunguya sya
iba na din yung suot nya , naka formal attire sya ngayon..
yung tipong damit talaga nang mga businessman ,
suit and tie ganon..
pero necktie yon ha..

tas yung panloob nya color light blue na polo..
di nagtagal ay nainitan siguro sya kaya hinubad nya yung suit nya..




" ah hindi kakakain ko lang din nyan kanina nung tumawag ka. "


sabi ko nalang sakanya..
napatitig naman sya sakin saglit habang inihahalo nya yung bagoong sa kare kare nang maayos..



" favourite mo to diba? "


tanong pa nya sakin sabay tingin ulit..
napa iwas naman ako nang tingin at saka napatango nang tatlong beses..


" o-oo naman . "

sagot ko pa..
napansin ko naman si manang na nakatingin lang saming dalawa..




" namiss ko kayong makita dalawa.. "


mahina pang sambit ni manang at sabay kaming napatingin sakanya..
napa iling iling naman si raphael habang kumakain at nakatawa pa sya..



" alam mo manang , dabest talaga tong kare kare mo e .. pwedeng ipanglaban sa buong mundo. "


pag iiba nang topic ni raphael tapos ay hinampas naman sya nang mahina ni manang luz dahil nabola nanaman sya nang mokong na to..




" ikaw talagang bata ka! napaka bolero mo talaga! "


natatawa pang sabi ni manang sakanya..
habang ako ay nakangiti lang silang pinagmamasdan at wala na pala akong sinisipsip sa plastic na hawak ko...



napatingin naman sila saking dalawa at saka ko madaling ibinaba yung plastic na hawak ko..
nakita ko naman na ibinalik ni raphael yung tingin nya sa plato nya at saka napangiti nang konti..

tang-...
nakakahiya.



" a-ay sorry , hehe sarap pala nito manang luz. "

nahihiya ko nalang sa sabi tapos ay itinaas pa yung plastic na pinaglagyan nang softdrinks na wala nang laman..



" namiss mo ba? "


tanong ni raphael sakin kaya napatingin ako sakanya at sakto naman na napataas yung ulo nya at saka tumingin din sakin..



" ang alin? "


lutang na tanong ko pa sakanya..
napatawa naman si manang luz kaya napatingin ako sakanya..



" hahahaha chloe ano ka ba naman iha? inaantok ka na ba? "


tanong pa ni manang luz sakin habang natatawa tawa pa..
napakunot naman yung noo ko habang nakangiti..



" ay haha? sino ba? "

dagdag na tanong ko pa..
nakita ko naman si raphael na nakangiti at saka sumandal sa upuan tapos ay tumingin sakin..




" anong sino chloe? "

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon