Chloe's p.o.v
kahit sobrang nakakailang to ay inumpisahan ko na syang sukatan..
habang nakatayo sya nang diretso ay una kong sinukatan yung shoulders nya..
hindi pa masyadong nakakailang yon kasi pwede akong lumayo pa sakanya nang konti..hindi ko na sinasabi yunh sukat nya kasi parang natutuyuan na din ako nang laway sa mga pangyayari..
sinusulat ko nalang yon agad para mabilis na..
sumunod ay yung sa may leeg nya..
ipina ikot ko yung tape measure sa may leeg nya..
habang naka focus ako sa pag aayos nang tape measure..
ay napatingin ako sakanya bigla habang sya ay nakatitig lang nang diretso..
medyo matangkad sya sakin pero hindi naman ako nahirapang sukatan sya..eh kung higpitan ko kaya tong tape measure sa leeg mo para sa libing mo na tayo didiretso?
joke..sinulat ko nalang din yon at hindi na ko nagtangkang mag salita pa..
sumunod kong sinukat ay yung sa may bandang baba nya..
lumuhod ako para mas masukat ko nang maayos yon..mic test ?
test mic?
joke..nang matapos na ako doon ay tumayo na ako at saka humarap sakanya..
eto yung pinaka ayokong susukatin sa totoo lang..napahinga nalang ako nang malalim nang bigla akong mapatingin sakanya at napatingin din sya sakin...
unti unti akong lumapit sakanya...
" taas po konti nang kamay mr.ford.. "
sabi ko pa sakanya at agad agad naman nya akong sinunod..
nang itaas nya yon ay ipinalibot ko yung tape measure sa may chest nya..so parang ngayon kung titignan nyo..
para akong nakayakap sakanya..* tug dug tug dug *
* tug dug tug dug *
* tug dug tug dug *
* tug dug tug dug *napapikit nalang ako nang marinig ko mismo yung tibok nang puso ko habang nasa ganitong posisyon kami..
napahinga nalang ako nang malalim at pilit kong iniaabot yung tape measure sa kabilang kamay ko para makalayo layo na ko nang konti sakanya...
pinilit kong pakalmahin yung sarili ko..
pero dahil nanginginig ako ...
nalalag yung tape measure sa kamay ko...napapikit nalang ako at saka napalunok..
napakamalas mong nilalang ka.agad agad akonh humiwalay sakanya at saka ko pinulot yung tape measure sa sahig
" okay ka lang chloe? "
tanong ni sarah sakin habang hindi parin sya tapos magsukat kay veronica..
napatingin naman ako sakanya at napangiti nang hilaw..
hindi ako okay tang-...
parang hindi ko ata kinakaya tong mga nangyayari.umpisa pa lang to kung tutuusin..
marami pang mangyayari na alam kong mas hinding hindi kakayanin nang puso ko." h-hehe , nadulas lang nang konti. "
sabi ko nalang sakanya at inulit yung pagsusukat sa chest nya..
huminga ako nang malalim nang marinig ko nanaman yung tibok nang puso ko...nang maabot na nang kaliwang kamay ko yung tape measure ay para naman ako nakahinga nang maluwag...
nang mapatingin ako sakanya ay seryoso parin nya kong tinititigan sa mata...
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...