Chloe's p.o.v
" pano kung sabihin ko sayong hindi kita kayang iwasan chloe? "
sabi pa nya sakin..
napalunok naman ako sa sinabi nya..unti unti kong binitiwan yung doorknob at saka sya hinarap..
tinitigan ko lang sya at ganon din yung ginawa nya sakin.." raphael.. "
" kaibigan ko si veronica.. "
" ayok-... "hindi nanaman nya ko pinatuloy sa sasabihin ko sakanya at saka nanaman sya sumabat..
" so ano? hahayaan mong ikaw nalang yung masaktan chloe? "
tanong pa nya sakin..
napakunot yung noo ko sa mga sinasabi nya.." naiintindihan mo ba yang sinasabi mo raphael ha?! "
hindi ko makapaniwalang tanong sakanya..
napahilamos nalang sya sa sarili nya habang tinitignan ako..." bakit ganyan ka chloe?! "
" bakit ba palagi mo nalang iniisip yung mararamdaman nang ibang tao ngayon?! "naiirita nyang sabi sakin..
napahinga nalang ako nang malalim at napalunok.." sana ganyan ka din sakin four years ago. "
" tang*na chloe.. "sabi pa nya sakin tapos napaupo sya sa kama..
napakagat naman ako sa labi para pigilan yung luha ko..." please.. "
" wag kang umiyak. "
" nagagalit ako sayo ngayon.. "
" pero kapag umiyak ka , bigla nanaman mawawala to tapos lalapit ako sayo para punasan yang mga luha mo. "
sabi nya sakin tapos ay inihilamos nya yung dalawang kamay nya sa mukha nya
" tang*na chloe.. ganyan ka kahalaga sakin.. "
" kahit hanggang ngayon , hindi ko parin kayang pigilan yung sarili kong wag mag alala sayo. "
dagdag na sabi pa nya sakin pero diretso lang syang nakatingin sa salamin..
hinayaan ko lang na tumulo yung luha ko at hindi ko na pinunasan yon para hindi na nya mahalata..
tutal hindi naman sya nakatingin sakin e..napatango tango nalang ako tapos tumalikod sakanya na walang kahit anong salitang lumalabas sa bibig ko para sagutin sya..
maglalakad na sana ako palabas nang hilahin nya yung wrist ko at saka inilapit nya yung katawan ko sa katawan nya..
napatingala ako sakanya habang salo salo nya yung likuran ko binitawan nya yon at saka tinitigan ako sa mata at dahan dahang dumampi yung palad nya sa pisngi ko para punasan yung luha ko..
" i told you not to cry.. "
" ang tigas talaga nang ulo mo. "malamig pa nyang sabi sakin tapos nakita ko pa syang napalunok habang pinupunasan yung luha ko..
lumayo sya nang konti sakin tapos tumalikod..
nakatingin lang ako sa likod nya at para wala na syang balak na humarap pa.." kung nahihirapan ka na.. "
" pwede kang sumuko at iwan ulit ako.. "sabi pa nya sakin tapos lumingon lang sya saglit pero tumalikod parin at nagsimulang maglakad papunta sa luggage nila ni veronica..
" tutal dun ka naman magaling diba? "
" yung kapag sa iba sobra kang mag alala.. pero ako na boyfriend mo noon.. "
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...