Chapter 77 : PRACTICE

232 18 2
                                    

Chloe's p.o.v

napailing iling naman ako nang makaangat na sya sa upuan at saka sya lumingon sakin..

" dito ba to isusuksok ms.morgan? "

nakangiting tanong naman nya sakin..
napatingin naman ako sakanilang lahat na nakangiti lang habang pinagmamasdan si raphael except lang kay tino na seryosong nakatingin lang sakanya..

agad agad naman akong tumakbo palapit doon sa upuan at saka ako tumingala sakanya..

" n-nako m-mr.ford ako na dyan. "
" client ka namin , dapat kami yung gumagawa nyan. "

nahihiya kong sabi sakanya..
pinanlakihan lang nya ko nang mata at saka ako binelatan kaya mahinang napatawa yung team ko sakanya kasama na doon si veronica..

" dami mong sinasabi dyan ms.morgan , dali na saan ko ba to ilalagay? "

tanong nya sakin ulit at saka kunwari pa syang napairap..
napangiti nalang din ako habang tinitignan sya at saka kinapitan ko nalang nang mahigpit yung upuan para hindi gumalaw yon at hindi sya mahulog kasi hindi ko sya kayang saluhin sa sobrang bigat nya..

" doon sa may gitna na may parang konting space.. "
" ipasok mo nalang dyan tas bumaba ka na agad kasi baka mahulog ka din. "

pabiro ko pang sabi sakanya..
agad agad naman nyang isinuksok yon tapos ay binalingan ulit ako nang tingin..

" dito naman diba ms.morgan? "

tanong nya pa sakin habang nakangiti..
tumango tango nalang ako sakanya tapos ay sinenyasan ko na sya na bumaba..

hindi na sya nagsabi pa nang kung ano ano at sinunod nalang nya agad yung sinabi kong bumaba na sya..

pero pag baba nya ay hinarap nya muna ako at tinitigan sa mata..

" okay lang naman na mahulog ako e.. "
" sigurado naman akong sayo yung bagsak ko. "

malokong sabi nya pa sakin tapos bigla pa syang kumindat..
nanlaki naman yung mata ko nang umalis sya agad at napatingin ako sa mga taong kasama namin dito na busy naman at mukhang hindi nila nakita yun..

bwisit talaga tong lalaking to e..
mapapahamak pa kaming dalawa sa mga pinaggagawa nya e.

nang matapos kami doon ay nilapitan ako ni tino..

" may maitutulong pa ba ako? "

nakangiting tanong nya sakin..
napangiti nalang din ako nang makita ko syang ngumiti ulit nang ganon..

mukha namang okay okay na sya ngayon compare doon sa itsura nya nung mga nakaraan..

tinapik ko nalang sya sa braso at saka umiling iling..

" okay na hahaha , tapos na kami.. "
" pero kung gusto mo pwede kang manood doon , upo ka nalang sa tabi nila katie. "

nakangiti kong sabi sakanya..
agad agad naman syang tumango at saka tumungo doon..

nakita ko naman si katie na nakangiti sakanya tapos ay inofferan pa sya nang upuan at saka sya umupo tapos ay kumaway pa sakin nang pasimple..
nginitian ko nalang sya nang tipid at saka pumalakpak nang dalawang beses para makuha yung atenttion nilang lahat..



" practice tayo.. "
" pakialis muna yung upuan na to please.. "

pakiusap ko kay paolo at agad agad naman nang iginilid yun..
inayos naman namin yung mga monoblock sa magkabilang gilid nang red carpet kung saan uupo yung mga bisita..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon