Chloe's p.o.v
" oh diba kinabahan ka? "
maloko pang sabi nya sakin..
napatingin naman ako kay veronica na na shock din tapos kay raphael na agad naman iniwas yung tingin samin.." whoa.. "
hindi makapaniwalang sabi ni veronica saming dalawa..
ngumisi naman ako kay francis at saka inayos yung paa ko sa pagkakaupo at saka sya tinignan." wala mahina ka pa rin. "
mayabang ko pang sabi sakanya..
" dapat tinuloy mo na. "
sabi ko pa..
napatawa naman sya nang bigla bigla nanaman nyang ilapit yung mukha nya sa mukha ko..nanlaki nanaman yung mata ko at saka ako napahiga kakailag sakanya..
akala ko ay mababagok ako..
nagulat nalang ako nang iharang ni raphael yung paa nya para doon bumagsak yung ulo ko...habang nakahiga ay napatingin ako sakanya..
napatingin din sakanya si veronica at francis..habang sya ay parang walang kaalam alam sa ginawa nya..
clueless nya kong tinignan.." oh sorry.. "
" nakahiga ka pala? "maang maangan nyang tanong sakin..
dahan dahan akong napatayo at saka sya nag stretch nang katawan.." pasensya na .. gusto ko kasi talagang mag inat kanina pa e.. "
palusot pa nya..
nginitian ko nalang sya nang peke at saka tumingin sa dagat..hindi na ulit kami nag ingay pang tatlo at nanatili nalang tikom yung mga bibig namin hanggang sa makatawid na kami sa isla..
5:30 kami nakadaong sa pang pang..
nandoon na sa may buhangin yung mga gamit namin at iniitay nalang kami nang mga kasamahan ko...isa isa na kaming bumaba sa bangka..
unang bumaba ay si raphael..
sumunod naman ay si francis..tapos si veronica na inalalayan ni raphael sa kanang kamay at si francis naman sa kaliwa..
nang ako naman yung bababa ay hinawakan ni francis yung kaliwa kong kamay..
tapos..
tapos nagulat ako nang buhatin ako ni raphael na parang 3 years old na bata na nakikipaglaro sa daddy nya...
habang nakaangat ako ay napahawak ako sa balikat nya at napalunok..
ibinaba nya ako habang tulala..
tang-...
" buti naman at may isip ka na buhatin si chloe hon? "
masayang tanong pa ni veronica sakanya..
napatingin naman ako sakanila at hilaw na ngumiti at yumuko.." sasabihin ko pa nga lang dapat sayo yon kaso naunahan mo na ko. "
dagdag pa nya at saka umangkla sya kay raphael..
habang tinitignan si veronica..
hindi ko nakikita sa mukha nyang nagseselos sya..gosh , kung ako siguro yung girlfriend nito tapos nakita kong ganon sya sa ibang babae..
ay susko mars..
hindi ko papansinin to nang isang buong araw..nang mapaangat ako nang ulo ay nakita kong halos tumulo na yung mga laway nang nga babae dito habang pinagmamasdang hubad si raphael..
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...