Chapter 73 : STORY TELLING

227 17 0
                                    

Chloe's p.o.v

" kaya lang , saktong sakto yung pag iwan nya sakin non e. "

" kaya ayon , hindi ko na sya naipagluto pa. "

nakangiting sabi pa nya sakanila..
napabuntong hininga nalang ako at pinilit yung sarili kong hindi magbago yung facial expression ko..

" aww ang sakit naman nang kwento nang tahong na yan.. "

" buti nalang tapos na kong kumain , hindi na ko mawawalan nang gana. "

malungkot pang sabi ni katie sakanya..
natawa naman sya nang mahina at saka isa isa silang tinignan..

" m-mr.ford , pwede po bang pakwento nang konting nangyari sainyo nung ex nyo na yon? "

request pa ni anne sakanya tapos ay ibinaling pa ni anne yung tingin nya kay veronica at hilaw na napangiti..

" hehe , okay lang po ba ms.veronica? "
" kung hindi po , okay lang din naman po na manahimik nalang ako dito hehe.. "

tanong pa ni anne kay veronica..
napatawa naman si veronica habang nakakamay na kumakain at saka tumango tango sakanya at nag thumbs up pa..

" okay na okay lang syempre "

sagot naman ni veronica tapos ay napatingin sakanya si raphael habang nakangiti tapos ay binalingan din sya nang tingin ni veronica at saka sya nginitian nang matamis..

" mr.ford ilang taon po ba kayo nung ex nyo na yun? "

nagtatakang tanong pa ni paolo sakanya..
napainom nalang ulit ako nang sprite at biglang nahagip nang mga mata ko si francis na nakatingin sakin...

syempre , sya lang naman nakakaalam nang nagyari samin e.
itinaas taas ko nalang yung dalawang kilay ko sakanya tapos ay iniwas ko na ulit yung tingin ko at nagkunwaring makikinig nalang din sa kwento ni raphael..

" 4 years din.. "
" sa lahat nang naging girlfriend ko nung highschool ako.. "

" sya talaga yung pinaka tumagal at pinaka sineryoso ko. "

nakangiti parin nyang sagot sakanila na para bang okay na okay na talaga sya habang nag k-kwento sakanila..

" pero , mukhang binalikan ako nang karma sa lahat nang babaeng niloko ko noon.. "

" kaya ayon , siguro naging instrumento sya para pagbayaran ko lahat nang kalokohang ginawa ko nung highschool ako..  "

" sobra talaga akong tinamaan sakanya.. "

" kaya nung iniwan nya ko , sobra ring nadurog yung buong pagkatao ko. "

sabi pa nya sakanila at saka napatango tango nalang habang nag k-kwento..

instrumento naman pala ako e.
anong klase ba?
gitara?
flute?
violin?

" pero mr.ford parang nabanggit mo kanina na nag propose ka sakanya ? "

" or parang engage na ata kayo? "

" tama po ba? "

tanong pa ni katie sakanya habang nakakunot yung noo..
aba' t grabe din naman talaga ang pagka chismoso't chismosa nang mga ito..

naibaling ko nalang yung tingin ko kay raphael at nakita ko syang napatango tango..

" mag aapat na araw na sana kaming engage noon , kaya lang iniwanan nya na ko agad. "

sabi pa nya sakanila..
sana , kasal na tayo ngayon kung hindi kita nakitang may kasamang ibang babae sa kama.

kasalanan ko oo , pero mas kasalanan mo.

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon