Chapter 39 : VERONICA THE GREAT

266 15 0
                                    



Flashback...



palabas na kami nang classroom dahil uwian na..
paglabas na paglabas ko ay nakita ko agad si ysmael sa na nakasandal sa may poste sa harapan nang classroom namin habang may hawak hawak na tatlong pirasong pulang rosas..

" hmmm.. mukhang in love na in love na talaga sayo yang babaerong yan ha? "

" alam mo mula nung nakilala ka nyan , hindi ko na nakikita sa gimikan yan e .. "

pang aasar ni cecilia habang pinipindot pindot yung tagiliran ko..

napapansin ko naman na pinag bubulungan na sya nang mga studyanteng dumadaan pero wala syang pakielam..

nang makita nya ko ay agad syang ngumiti nang malaki at saka kumaway..
nang makalapit kami sakanya ay nagpaalam na agad si cecilia na mauuna na daw sya..



" sorry medyo natalagan.  "

sabi ko sakanya nang tuluyan akong makalapit..
nginitian lang nya ako at saka tinap yung ulo ko tapos ay binigay nya sakin yung pulang rosas..

" okay lang.. kahit ilang oras , araw , linggo , buwan  , o kaya kahit na apat na taon pa kitang intayin.. "

" hihintayin parin kita. "

seryoso pa nyang sabi sakin..
nakangiti ko namang tinanggap yung rosas na binigay nya..

" para san to? "
" may ginawa ka sigurong kasalanan no? "

pabirong tanong ko pa sakanya..
napangiti nalang sya tapos ay hinapit nya yung bewang ko papalapit sakanya at nagsimulang maglakad..

" hindi hindi ako gagawa nang kasalanan na alam kong ikasasakit nang damdamin mo chloe. "

" mahal kita. "

" mahal na mahal. "

sabi pa nya..
ewan ko ba..
sobrang sincere nang pagkakasabi nya non..
nakakatuwa lang isipin na may ganitong tao na katulad nya na sobrang pinahahalagahan yung ordinaryong taong katulad ko..

niyakap ko nalang din yung bewang nya at saka kami nagpatuloy sa paglalakad..
pagtapos nang klase namin..
lagi kaming dumideretso sa tindahan ni aling marites para bumili nang kwek kwek..

malapit lang to sa condo ko kaya kapag tapos non ay itatawid ako ni raphael tapos ay uuwi na sya agad..



" wassup aling marites? "

malokong bati ni raphael sakanya..
agad namang napatawa si aling marites sakanya..

" hay nako naman , nandito nanaman tong batang to. "

maloko din nyang sabi kay raphael..
napatingin sya saming dalawa at saka ibinalik yung tingin sa kwek kwek na niluluto nya..


" aba..  parang natuto ka nag mag seryoso ngayon ah? "

" isang babae nalang yung nakikita kong dinadala mo lagi dito e. "

sabi pa nya tapos ay nginitian nya ko..

" aling marites.. ano ka ba naman.. "
" napakadami mong sinasabi e.. "

" pabili na nga lang kami nang kwek kwek mong masarap.. "

" tig sampung piraso. "

sabi nalang nya..
napatawa nalang si aling marites at saka nagsalin nang kwek kwek sa baso..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon