Chapter 79 : 3 DAYS

261 20 2
                                    

Chloe's p.o.v

naimulat ko yung mata ko at agad na nasilaw sa sikat nang araw na tumagos sa bintana namin na nakatapat sakin..

napatingin ako sa orasan.. 11:30 a.m.
hindi kasi ako nakatulog agad kanina..

siguro mga isang oras lang akong nakapikit lang pero gising na gising parin yung diwa ko..
ewan ko ba kung bakit ganon , siguro kasi sobrang dami kong iniisip kaya hindi rin ako nakatulog agad..

agad agad akong nag inat at saka iginala yung mata ko sa loob nang kwarto..
pero ako lang mag isa yung nandito...

nang makapag inat na ako ay agad agad akong tumayo at tumungo sa c.r. para mag toothbrush..
pero nabaling yung tingin ko sa table namin sa may kitchen na may nakatakip na kung ano at may nakadikit pang note doon sa takip..

kaya imbes na mag toothbrush nalang muna..
ay pinuntahan ko nalang yung table namin sa kitchen ay kinuha yung sticky note na nakadikit doon...

inilapit ko naman sakin yun at binasa..

Thank you for staying chloe...
i'm so sorry..

by the way...
enjoy eating , goodmorning :'>

agad agad namang sumilay yung ngiti sa labi ko nang mabasa ko yung note nya...

inalis ko naman yung takip at nakita ko yung plate na may lamang hotdog , bacon , egg and fried rice..

late na yung breakfast ko..
pero syempre , kakainin ko parin to.

tinakpan ko nalang muna ulit yun at saka nag mumog..
mamaya nalang ako mag t-toothbrush pagtapos kong kumain..

ang panget kasi nang lasa nang pagkain kapag nauna yung toothbrush e.
pagkatapos ko mag mumog ay nagtimpla nalang muna ako nang kape ko dahil wala naman syang hinandang kape para sakin...

aba wag masyadong abusada chloe morgan.
pinaghandaan ka na nga nang almusal , gusto mo pati kape pa ipagtitimpla ka?

ang panget naman kasi nanv malamig na kape..
sa sobrang tagal ko ba naman nagising ngayon , malamang lalamig talaga yung kape kung tinimplahan nya rin ako.

inumpisahan ko nang lantakan yung breakfast na hinanda nya at pagtapos non ay nagpahinga muna ako nang konti at saka ko naisipang maligo na din dahil anong oras na rin naman..

pagtapos maligo ay nagpahid na ko nang kung ano ano sa katawan ko para mapanatiling moisturize parin sya kahit na pagod na pagod ako kahapon sa sobrang dami nang nangyari...

nang matapos ako ay nag stay nalang muna ako nang ilang minuto pa sa kwarto dahil tinatamad pa akong lumabas at hindi ko rin naman alam kung paano ko sila haharapin ngayon.

syempre dapat hindi ko rin sila pansinin agad no.
hindi naman ganon kadaling kalimutan yung mga ginawa nila sakin e.

makalipas ang ilang minuto dahil sobra na kong na b-bored ay naisipan ko nalang na ayusin ulit yung mga damit ko pabalik sa cabinet namin ni francis..

nang matapos ako ay agad agad akong tumayo sa kama para lumabas pero saktong paglapit ko sa pintuan ay kusang bumukas yon at nakita ko si raphael doon na nakatayo at parang gulat syang napatingin sakin..



" g-gising ka na pala? "

nauutal utal pa nyang tanong sakin..
tinitigan ko lang sya nang diretso at hindi ako nagsalita...

pumasok sya nang kwarto habang nakatingin parin sakin , pero nakatayo lang ako doon sa kinatatayuan ko pagbukas nya nang pintuan kanina...

nilampasan na nya ako pero hindi parin ako sumasagot sakanya..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon