Chapter 17 : SHOPPING

311 21 6
                                    



Chloe's p.o.v



nagising ako sa alarm nang cellphone ko..
kinuha ko 'yon at saka tinignan kung anong oras na ba..
8:00 a.m na ..
inilapag ko ulit 'yon at ilang minuto pang tumunganga muna bago tumayo..

gumising talaga ako nang maaga kasi bibili ako nang mga gamit ko..
wala akong masyadong stock dito sa condo ko e..


naghilamos lang ako at saka nag toothbrush tapos nag ayos nang konti..
nag suot lang ako nang maong shorts na high waist at saka naka tuck in  yung loose white t-shirt ko na round neck pero medyo mababa nang konti..

pinonytail ko din yung mahaba kong buhok para hindi masyadong sagabal at saka ko kinuha yung shades ko at grey cap tapos ay nag suot lang ako nang black slippers..


tumunog naman yung phone ko at nakita kong nagtext yung driver ko sakin..
sabi nya iniwan na daw nya yung susi nang kotse ko sa guard..
ako nalang daw ang kumuha..

ni replyan ko nalang sya nang okay saka salamat..
pagkatapos noon ay bumaba na ko nang condo ko at saka syempre minake sure kong naka lock yun..


nang makababa ako ay agad akong sinalubong nang may ngiti ni kuya guard..
binigay nya sakin yung susi at saka lang ako nakangiting nagpasalamat sakanya...

natanaw ko naman yung kotse kong itim na may lining nang gold sa bawat kanto..
bale yung kotse ko ay binili din nila mom para sakin noong pagka graduate ko nang college..

mga 3 million siguro bili nila mom dito..
hindi naman sa pagmamayabang. :'>

pumasok ako nang kotse at saka nag seatbelt ..
syempre safety first..

binuksan ko din yung radio nung kotse..
at saktong saktong pagbukas non..


" tanging ikaw lamang ang aking iibigin
  walang  ibang hiling kundi ang yakap mo't halik "





" p-punyeta. "

mahina kong sambit sa sarili ko at saka ko nalang pinatay yung radyo..
ang dami daming pwedeng ipatugtog yun pa.
ayos to ha?
magandang simula nang araw ko to.

bumuntong hininga nalang ako at nagsimulang paandarin yung kotse ko..
una akong pumunta sa grocery store..

kailangan ko nang stock nang pagkain susko.
nagugutom ako lagi sa madaling araw , mahirap na..

kumuha ako nang tatlong box nang cereals tapos anim na fresh milks , pancake , eggs , fruits , vegetables , meats , at saka junkfoods including chocolates..


umabot lahat nang pinamili ko nang mahigit 8,000 pesos..
partida ako lang mag isa nyan sa condo..

sumunod kong pinuntahan ay mall..
kailangan kong bumili nang personal needs ko..
mukha kasing medyo magtatagal ako dito sa pilipinas e.

pagtapos non ay kumain muna ako sa fast food kasi 12:30 na nang hapon..
tapos hindi parin ako nakakaligo..
may mga ilang taong nakikilala parin ako kahit naka shades ako tapos nag papapicture sila..

syempre ayokong magmaldita , kaya kahit na walang ligo..
smile lang nang smile..

nang mabusog ako ay nag take out pa ko nang dalawang large fries at large drink tapos burger..
baka kasi magutom ulit ako e.

pagtapos kong kumain ay dumiretso ako sa department store para bumili nang damit na isusuot ko mamaya..

syempre , ayoko namang mapahiya..
nakakahiya naman kasi kung mukha akong pipitsugin lang kapag nakita nila ako ulit..

haluur , four years akong nawala no..
i need to prepare..
not for him , para sakin din to.

habang namimili nang isusuot ay iniisip ko kung ano nga bang magandang suotin para sa dinner mamayang gabi..

naagaw naman nang atensyon ko yung isang dress na color black na fitted tapos spaghetti strap sya , above the knee yung haba , pero may slit sa bandang kanan..

hindi na ko nag alinlangan pa at agad agad ko yung kinuha..
yung sapatos naman na napili ko ay color white sya na 3 inches yung taas..
pa strap din yung design nya sa may daliri sa paa..
tapos may strap din sa may ankle para doon i lock..

perfect!

binayaran ko na agad yon at saka nag drive na pauwi..
medyo mabigat na din kasi yung mga dala ko..
tapos mag aalas tres na din..
kailangan ko pang ayusin yung condo ko at saka magprepare para sa dinner..

pagbaba ko nang kotse ay isa isa kong ibinaba yung mga pinamili ko..
hindi ko kakayanin mag isa to susko...

mabuti nalang ay nakita ako ni kuya guard kaya agad agad syang pumunta sakin at saka nya kinuha yung ibang pinamili ko..

" thank you po kuya.. "


nakangiti ko pang sabi sakanya..
pero kahit dalawa na kami ay hindi parin kaya na lahat ay maiakyat na agad sa condo ko..

pinipilit kong kuhain yung tatlo pang paper bag pero hindi na kaya..
inoffer na din ni kuya na sya nalang din daw pero hindi na rin nya kaya..

" ah kuya baka balikan ko na-... "

hindi ko naituloy yung sasabihin ko nang kuhanin nung lalaking naka navy blue na t-shirt at black shorts , tapos naka cap na black and black mask yung mabigat kong bitbit at saka yung kinukuha ko kaninang tatlong paper bag na sinabi kong hindi na talaga kaya...

naestatwa nalang ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sya..


" ma'am anong floor po ba tayo? "

tanong ni kuya guard at agad agad naman akong napatingin sakanya at nabalik sa wisyo..

" ah.. twenty-... "

" twenty-four kuya. "

sabat nung lalaki at saka lang sya nginitian nung guard at nagpatuloy sa paglalakad papasok..
habang nasa elevator kami ay ako na yung nasa unahan nila at syempre ako na din yung pumindot kung anong floor..
nakakahiya naman kasi kung papipindutin ko pa sila diba..

" san po kayo galing sir rap? "

tanong nung guard sakanya..
nakikinig lang ako at ayokong sumabat sa usapan nila..

nang makarating kami sa floor 23 ay para akong binuhusan nang malamig na tubig nung nagsalita sya ulit..


" dyan lang kay manang luz.. "

maiksi nyang sagot na ginamitan nya nang malamig na tono nang pagsasalita..
b-baka kaboses lang nya..

hindi ko nalang pinansin yon pero ginugulo ako nang isip ko..
nang makalabas kami nang elevator ay dumiretso kami sa pintuan ko , sabi ko iwan nalang nila pero ipapasok nalanh daw nila sa loob..

nang makapasok kami sa loob ay iniwan na ni kuya guard yung mga plastic bag sa lapag , pati sya ay iniwan nya na din yon doon...

" thank you po sainyo.. "

sabi ko pa at saka lang yumuko si kuya guard sakin..
nang malapit na kami sa pintuan at tuluyan nang nakalabas si kuya guard..

ay hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pinigilan ko sya sa paglalakad..

" t-teka lang.. "

pagpigil ko pa sakanya..
pero hindi sya humaharap sakin..
saktong haharap na dapat sya nang biglang mag ring yung phone ko kaya doon ako napatingin..

kumalas naman sya sa pagkakahawak ko tapos ay lumingon nang konti saka sya tumango..

laking gulat ko nang matanaw ko yung kulay nang mata nya..
habang isinasara nya yung pintuan ay natameme lang ako..


" r-raphael? "

mahinang sambit ko sa sarili ko , at saka ako nabalik sa wisyo nang mag vibrate yung phone ko sa kamay ko..

what the hell.

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon