Chloe's p.o.v
pagkapasok na pagkapasok ko ay para naman akong bumalik sa dati nang makita ko yung condo ko na may takip na puting tela ang lahat nang gamit..
bawat sulok nang kwartong 'to ay may alaala kasama sya..
napabuntong hininga nalang ako at saka ko iniwan muna yung luggage ko sa may pintuan at saka ko isinabit yung coat ko sa gilid naman nang t.v.inalis ko yung nakatakip na puting tela sa sofa..
nakakapagtaka naman dahil puting puti parin yung tela na yon kahit four years ago na..siguro nililinis din nila to..
pero hindi na nila pwedeng i pa rent sa iba to dahil bayad na ni daddy to..eto yung birthday gift nya sakin noong mag eighteen ako..
tinupi ko nang maayos yung tela at saka binuksan yung aircon..medyo mainit na dito e..
umupo muna ako at saka minasahe nang saglit yung noo ko..grabeng byahe yon.
mahigit 18 hours susko.mahihiga na sana ako sa sofa nang biglang may tatlong beses na kumatok nung una ay hindi ako tumayo..
pero na curious ako dahil hindi na sya kumatok pa ulit..
tumayo ako at dahan dahan muna akong pumunta sa pintuan..
sumilip muna ako doon sa maliit na butas na nasa pinto ko at wala naman akong nakitang kahit isang tao o anino man lang nang tao..dahan dahan kong binuksan yon at saka ako sumilip sa kanan at sa kaliwa..
wala din tao..pag yuko ko ay meron akong paper bag na nasanggi nang paa ko at saka ko naman pinulot yon..
pumasok muna ako sa loob at sinigurado kong nakalock yung pintuan ko..
inilapag ko yon sa lamesa at ilang minuto ko munang tinitigan yon..
ang bango..isa isa kong nilabas yung microwavable na may lamang kanin , kare kare ( with bagoong ) , at saka lumpiang shanghai..
shoot!favourite ko to my gosh!
sinong nagpadala nito?inamoy ko naman yung isa isa kasi mamaya kain ako nang kain may lason na pala yun diba?
habang inaamoy ko yung kare kare ay biglang kumulo nang napakalakas yung tyan ko..
gutom na din talaga ako..
12 hours na kong hindi kumakain e.dinedma ko nalang kung may lason ba yon o wala..
inumpisahan ko nang lantakan yon at nung tikman ko yung kare kare...bigla akong may naalalang tao..
isa lang yung kilala kong nagluluto nang ganito kasarap na kare kare.." manang luz. "
sambit ko at saka ako nagpatuloy sa pagkain..
ewan ko kung bakit naluluha ako habang kumakain..ano ba to?
pag kinain mo , matik na ikokontrol ka ni sadness?nang matapos kong kainin yun , ay meron pang milktea na oreo cream cheese yung flavor tapos may one liter na tubig...
kinuha ko naman yung milktea at saka ko inumpisahang nguyain yung tapioca pearls..
pati flavor nang milktea favourite ko din..sino bang nagpadala nito?
habang tulala ako sa pag sipsip nang milktea ay napatingin ako sa paper bag at may nakita ako doong square na papel na may nakalagay na note.." eat this , your body is getting slimmer .
rest well and see you soon :'> "sabi pa doon..
medyo familiar naman yung handwriting nung nagpadala non..nag isip pa ko nang nag isip at saka rumihistro sa utak ko si cecilia..
oh my gosh , si cecilia nga pala!
kinuha ko yung phone ko at itetext ko sana sya nang marealize kong wala nga pala akong number nya...punyeta.
naimagine ko naman kung ano nang ganap sa buhay nang bestfriend ko nung highschool na si cecilia..sobra na kong nakokonsensya sa mga ginawa ko four years ago..
ang daming kaclose kong nadamay..
isa na si cecilia don..
hindi man lang ako nakapag paalam sakanya nung umalis ako..bumuntong hininga nalang ako at saka sumipsip nang milktea saka ako tumayo para tumingin sa glass wall nang unit ko na kitang kita yung mga naglalakihang buildings na napakagandang pagmasdan kapag gabi na at mga bahay mula dito sa taas.
hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong namiss ko talaga to..
i miss this place..eto yung naging taguan ko nung mga araw na sakit na sakit yung kalooban ko..
napatingin ako sa baba at nakita ko yung karinderya ni manang luz..tinignan ko naman yung oras ko sa phone at nakitang 10:00 na nang gabi..
hindi parin tumitila yung ulan kanina pa..
isa pa tong ulan na to..dinadagdagan lang yung kalungkutang nararamdaman ko..
kinuha ko naman yung cellphone ko at ngayon ko lang naalalang hindi nga pala ako nakapag text kay tito..
To : Tito Ralph
good evening tito.. nasa philippines na po ako ngayon.. puntahan ko nalang po kayo bukas ..
sabi ko at saka ko sinend sakanya yung text message..
tumingin ulit ako sa salamin nang bahay ko at saka tumulala ulit sa patak nang mga ulan..napagpasyahan kong mag linis muna nang katawan tapos ay magpapahinga na muna ako kasi sobrang napapagod pa ako..
naalala ko namang wala nga pala akong sabon , at shampoo na nabili sa new york..
binuksan ko yung luggage ko at tanging bote lang nang lotion at day and night serum lang yung nandoon..shoot!
grabe , bumili na kaya ako nang gamit ngayon?
nangangati na kasi yung katawan ko e.napahinga nalang muna ako nang malalim at saka kinuha yung coat ko at handbag para mamili sa store nang mga kailangan ko..
may bukas pa kaya sa ganitong oras?
kahit walang kasiguraduhan kung may bukas pa ba o wala , ay kinuha ko yung slippers ko sa luggage at nagulat ako pagbukas ko nang pinto ay meron doong nakalapag na plastic..napakunot yung noo ko at saka ko kinuha yon..
nung sinilip ko naman yun ay nagulat nalang ako nang may makita akong malaking bote nang shampoo at conditioner at marami pang iba na pwedeng i apply sa katawan..pumasok ulit ako sa loob nang kwarto at saka ko nilock yon tapos hinubad ko ulit yung coat ko pati yung slippers ko tapos dumiretso ako ulit sa may lamesa at isa isa kong inilabas yung laman..
meron doong cotton , lotion , face mask at kung ano ano pa..
pero natawa nalang ako nang may makita akong sanitary napkins ..." fudge hahaha "
mahina kong sambit sa sarili ko..
nang mailabas ko lahat 'yon ay may nakita ulit akong papel na katulad lang din nang kanina tapos may note ulit..
" i know you need these stuffs.. wag kang maliligo , gabi na. baka magkasakit ka. goodnight! "
sabi pa sa note..
tinignan ko naman sa likod kasi baka may pangalan kung kanino galing , pero wala..ewan ko pero biglang rumehistro yung ngiti sa labi ko habang nakatingin don sa papel..
tumayo na ko at nagsimulang mag linis nang katawan tapos ay magpapahinga muna..bukas marami pa kong pupuntahan..
kailangan ko nang kahit konting pahinga at lakas.sa nagpadala nang stuffs and food ngayon.
malalaman ko rin kung sino ka ..
thank you :'>
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
Storie d'amoreHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...