Chapter 36 : DELIVERY

242 21 6
                                    


Chloe's p.o.v

isang linggo na ang nakalipas mula noong huli kong makita si raphael..
dito ko muna pinapunta yung mga ka trabaho ko sa condo , at nag uuwian nalang sila pagdating nang 5:00 nang gabi..

tinatapos ko na yung lay out nang magiging kasal nila  at may specific place na kami sa palawan na paggaganapan nang kasal..


" ms.morgan? tumawag po yung fashion designer ulit kanina na kinuha ninyo.. , susukatan na daw po bukas yung bride pati yung groom. "

sabi pa ni katie sakin habang busing busy ako sa pag aayos nang lay out..
tinapunan ko lang sya nang saglit na tingin at saka ngumiti tapos ay minasahe ko nang marahan yung ulo ko..

" sige sige.. , i tetext ko nalang sila mamaya.. ako nalang din yung sasama bukas.. "

sabi ko pa sakanya..

" sige ms.morgan .. kami nalang po bibili nang mga gagamitin natin sa prenup nila sa susunod na linggo.. "


sabi pa nya sakin...

" sige.. pasensya na hindi ko kayo masasamahan ha.. "

" nako ms.morgan , okay lang po.. nahihiya na nga po kami sainyo , pagod na pagod na po kayo sa araw araw e. "

nag aalala pa nyang sabi sakin..
ngumiti lang ako sakanya at saka huminga nang malalim...

" pagod din naman kayo e.. wag ka mag alala.. kaya ko pa naman. "

sabi ko pa sakanya tapos ay nag paalam na sya sakin na may bibilhin lang daw sya..

sila francis naman ang may handle nung mga guest na imbitado sa kasal..

sa totoo lang sobrang nakakapagod talaga tong project namin na to..
hindi dahil sa ex ko sya ha?

kasi sobrang dami din nang mga imbitado kaya lang hindi namin sure kung magkakasya ba lahat nang 'yon doon sa island na napili namin at sinang ayunan nila..

tumigil muna ako at saglit na ipinikit yung mata ko..
tumingin ako sa wall clock at 3:00 na pala nang hapon..

" kumain ka na don. itigil mo muna yan. "

sabi ni francis na lumapit sakin..
inalis nya yung laptop sa lap ko at saka ako inalalayan na tumayo papuntang kitchen..

ni ready na nya yung pagkain ko at saka ako pinagtimpla nang kape..

" grabe ka talaga magtrabaho kahit kelan e. "
" alam kong magaling ka dito , pero alagaan mo naman yung sarili mo chloe. "

pagsesermon pa nya sakin at saka nya inilapag yung kape na tinimpla nya sakin..
ngumiti nalang ako sakanya at nagsimulang kumain..

" thanks dad. "

pagbibiro ko pa sakanya habang kumakain..
inirapan nya lang ako at saka sya nag ' che ' tapos ay nagpaalam sakin na tatapusin na daw nila yung ginagawa nila..

naisip ko naman yung gagawin pala bukas..
binuksan ko yung phone ko at saka ko tinext si raphael..


To:Raphael

Hi , good day!
bukas pala susukatan na kayo nang mananahi para sa susuotin nyong dalawa..

pipick upin ko nalang kayo sa office nyo nang mga 3:00 nang hapon.
hindi naman kayo siguro busy diba?

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon