Chapter 11 : MS.RED STAIN

342 17 4
                                    



Flashback..




katatapos lang nang P.E namin at sobrang nakakapagod na talaga..

" kain tayo pagkatapos? "

tanong sakin ni cecilia habang nag aayos kaming dalawa sa locker room..
kaming dalawa nalang din yung naiwan doon dahil yung iba ay dumiretso na agad pauwi , alam nyo naman..
basta uwian ganadong ganado na tayo lahat..


" sorry , uuwi na ko agad e.. napapagod na din kasi ako saka nagluto si mom nang dinner.. "

sagot ko habang pinupunasan yung pawis ko at naka tapat ako sa bukas kong locker..

" ay ganon ba? sayang naman... "

sabi naman nya tapos ay isinara nya yung locker nya..
at saka nya ako tinignan..

" una ka na cecil.. okay na ako dito haha , bye ingat ka.. "

sabi ko pa sakanya at saka inumpisahan ko nang ayusin yung mga magulong gamit ko sa locker ko..

" sure ka ba? okay ka na mag isa dito? "

nag aalala nya pang tanong sakin..
napatingin nalang ako sakanya at ngumiti tapos tumango tango..

" oo , okay na ko dito.. ingat ka ha.. "

sabi ko pa at saka nya ko nilapitan tapos bineso beso ..

" bye ingat ka din chloe.. kita tayo bukas! "

pagpapaalam pa nya at nagsimula na syang maglakad papalayo..

hindi naman masyadong nakakatakot dito kahit mag isa lang ako..
maliwanag naman e..
saka maaga pa kaya walang multo dito no..

habang inaayos ko yung mga libro ko sa loob nang locker ay nagulat ako nang may kamay na kumorner sa gilid ko kaya naman hindi ako nakagalaw agad...

shoot!
nandito nanaman sya punyeta..


" ano na ms.morgan? hanggang kailan mo ba kayang tiisin yung kagwapuhan nang isang raphael ford? "

mahangin nyang tanong sakin habang nakatalikod ako sakanya at nasa likod ko pa sya..
siniko ko naman nang malakas yung dibdib nya na naging dahilan nang paglayo nya sakin..


dahan dahan akong humarap at nakita ko syang parang sakit na sakit na nakahawak sa dibdib nya..
tapos nung nakita nya akong natatawa nang nakatingin sakanya ay para naman syang tangang tiniis nalang kunwari yung sakit , tapos ay tumayo sya nang diretso..


" hoi babaerong RAPHAEL YSMAEL FORD tantanan mo na nga ako ha! "

" ang kulit kulit talaga nang sarili mo no? hindi mo ba ko naintindihan sa sinabi kong ' A Y O K O ' hah?! "

pagtataray ko sakanya tapos ay pumamewang ako  habang yung mukha nya ay parang mas yumabang pa..

napaatras naman ako nang ngisian nya ko at dahan dahan syang lumalapit sakin..
napaatras naman ako nang napaatras nang maramdaman ko na yung malamig na locker sa likod ko..

shoot.
tulooong!

nang sobrang lapit nya na sakin ay hinarang nya yung dalawa nyang kamay sa magkabilang tenga ko at saka sya yumuko nang konti para magkapantay yung mukha naming dalawa..

habang naka ganoong pwesto sya yung ulo ko ay halos ipasok ko na sa nakabukas kong locker para hindi masyadong malapit yung mukha ko sa mukha nya..

THE WEDDING PLANNER ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon