Chloe's p.o.v
" s-sir raphael? "
naniningkit na tawag pa nung matandang lalaki sakanya tapos ay tumayo pa ito para tignan syang mabuti...
napatingin naman ako kay raphael na parang nag iwas nang tingin nang tumayo si lolo tapos ay bigla nalang syang hinawakan non sa magkabilang balikat nya..
" ikaw nga! "
masaya pa nyang sabi kay raphael tapos ay niyakap nya pa yon..
nakita ko naman na niyakap pabalik ni raphael yung matandang lalaki.." kamusta na? "
" ano nang balita doon sa babaeng hinahanap mo? "tanong pa nito sakanya nang magkahiwalay silang dalawa..
napakunot naman yung noo ko..may babae syang hinahanap?
sino?" a-ah , okay na po mang karding.. "
" nahanap ko naman na po.. "sagot nya doon sa matanda..
tinitigan ko naman syang mabuti at napapansin kong parang namumutla sya.." mabuti naman kung ganon.. "
nakangiti namang sabi sakanya nung matandang lalaki..
" eh yung sinasabi mong iniintay mong
dumating? "" ano dumating na ba sya? "
" nagkita na ba kayo ulit? "
" kayo na b-... "
hindi na natuloy nung matanda yung sasabihin nya nang bigla syang hawakan ni raphael sa balikat tapos ay niyakap nya ulit yun at saka hinimas himas pa yung likod nya..
" namiss ko kayo mang karding.. "
" grabe , medyo matagal tagal narin po ano? "parang may halong tarantang sabi ni raphael sakanya..
ano bang meron?nang maghiwalay sila ulit ay napatingin sakin yung matandang lalaki at ngumiti nang malaki..
" eto na ba sya sir raphael? "
tanong pa nya habang nakangiting tinuturo ako..
nabaling naman yung tingin sakin ni raphael tapos ay napakamot nalang sya sa ulo.." a-ano haha.. "
" mang karding usap tayo ulit sa susunod ha? "
" medyo nagmamadali kasi kami e.. "sagot naman ni raphael sakanya tapos ay hinila nya pa ko..
para namang nagulat yung matanda sa pagpapaalam nya bigla.." bye mang karding! "
" kita po tayo ulit. "sabi nya tapos ay nag wave nalang sya at nagpaalam nalang din yung matanda sakanya..
nag wave nalang din ako para magpaalam sakanya.." maganda pala talaga sya sir raphael! "
" ingat kayo , sana ay maging masaya na kayo sa pagkakataong ito. "sigaw pa nung mang karding daw habang patuloy kami sa paglalakad...
ano daw?m-maging masaya na sa pagkakataong ito?
s-sino?nang makalayo layo kami ay medyo bumagal na yung paglalakad nya habang hawak hawak parin yung kamay ko..
napahinto naman ako saglit dahil medyo nahingal ako sa paghila nya sakin...
daig pa nya nag mamarathon e.napatigil din sya sa paglalakad at saka napatingin sakin..
huminga muna ako nang malalim tapos ay napatingin ako sakanya.." sino ba yon? "
" bat parang tarantang taranta ka habang nagsasalita sya? "
BINABASA MO ANG
THE WEDDING PLANNER ( Completed )
RomanceHi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search mo pa sa guegeoul ) One day , tinawagan ako nang daddy ng great love ko and he asked if pwede daw b...