Kabanata 2 Gardener

217 4 0
                                    

Nikolai's POV

"Ay pota!"

Sabay sabay kaming nauntog dahil sa lakas ng preno ni Ela. Buti na lang ay naka seatbelt kami kundi maaga kaming na meet ni San Pedro.

"Mag dahan dahan ka naman." Reklamo ko.

"Hindi ka naman pala marunong bakit nag mamaneho ka dyan, ako na dyan." Akma na sanang lalabas si Mona kaya pinigilan ko sya.

"Di baleng mas okay si Ela kesa ikaw ang mag drive. Mag chill ka dyan." Si Issa habang nakahawak pa sa noo nya.

"Bakit ba wala kayong tiwala? Hello, kahit lasing ako nakakapag drive pa ako pauwi."

"Sino nagtanong?" Sabat ko.

Pigil ang pagtawa ni Issa at Ela, samantalang si Mona ay nakataas ang isang kilay sa akin. Nag peace sign ako sa kanya at hinug ko.

"Kawawa naman ang baby." Pang aasar ko pa sa kanya. Lalo syang nagpumiglas sa yakap ko.

Nasa backseat kasi kaming dalawa ni Mona. Kahit naman kasi mahilig kaming apat na mag diss sa isa't-isa alam namin kung kailan susuyuin o nagtatampo ang isa.

Ngumingisi naman ang dalawa sa frontseat. Kitang kita ko 'yon sa salamin. Nakarating kami sa bahay ni Ela. Hindi naman talaga kalayuan ang bahay nila mula sa Univ. Pero dahil sa traffic at pag preno preno nya nang basta basta ay para kaming bumiyahe nang pagka tagal tagal.

"Buti naman nakalabas din sa kotse!" Sigaw ni Issa habang nag iinat inat.

"Plano mo pala kaming bugbugin sa kakapreno mo bakit hindi mo na lang kami hinamon ng suntukan?" Sabay sarado ni Mona sa pinto nang kotse.

"Bakit? Mananalo kaba sa'kin?" Mayabang na pagkakasabi ni Ela.

"Abaaa! Abaaa!" Pang gagatong ni Issa.

"Hawakan mo nga sa tenga oh!" Dagdag ko pa.

"Hawak? Hawak lang pala eh!" Dahan dahang lumapit si Ela kay Mona. Pumorma naman si Mona na parang ready na syang makipag suntukan.

"Hindi ko hahayaang makalapit ka!"

Hindi namin mapigil ang pagtawa ni Issa habang ang dalawa'y nandito sa harap namin. Wari ba'y totoo ang ginagawa pero naghaharutan lang naman.

"Sige nga oh! Sige nga!" Tinulak tulak ko pa nang kaunti si Ela para makalapit kay Mona. Gumanti nang tulak si Mona kaya tumama si Ela sa akin.

Kasabay nang pagtulak nya ang malakas na pagbukas ng gripo na pandilig sa halaman. Agad akong lumayo sa halamanan at pinagpag ang damit kong basa na.

"WHAT THE HELL!" Sigaw ko.

Mabilis naman akong nilapitan ni Issa at Mona. Si Ela naman ay pumunta sa likod ng halamanan. Sino ba ang nagdidilig nang ganitong oras? Malamang hindi nya alam ang tamang oras sa pagdidilig o kaya nakatamadang mag dilig.

Bakit ba kasi nag ha hire sila nang ganyan?

"Tissue." Abot ni Issa. Tumulong na din si Mona sa pag pupunas sa'kin. Sobrang... Nakakainis.

Puti pa naman ang suot ko. For sure, bakat na ang bra ko na kulay itim. Nakaka inis din talaga ang pagkakataon.

"Hala ka! Nabasa mo si Niks, bakit dyan ka nagdidilig?" Bulalas ni Ela para magulantang ang kausap nya.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon