Nikolai's POV
"Hindi kapa ba sasabay bumaba?" Tanong ko.
Tumayo sya habang balot parin ang kumot sa kanyang katawan. Isa isa nyang sinindihan ang kandila dahilan para mahagip ng mata ko ang gwapo nyang mukha.
May iilang butil ng pawis ang kanyang noo at medyo basa na rin ang buhok nito. "M-magbihis kana..." Iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Mag s-stay muna ako dito, lulubus lubusin ko ang pabango mo sa kama na 'to." Sabay tapik nya sa kama.
"Manyak!" Sigaw ko.
"Hoy! Ano bang nangyayari dyan?!" Sigaw ni Ela galing sa ibaba.
"Ako? Sino ba ang nag insist na-"
"Gusto mo din naman! Kung bumayo akala mo walang bukas." Bulong ko.
"Ano?" Hindinya narinig, buti naman bingi ang lalaking 'to.
"Wala, magbihis kana. Baka lamigin kapa. Mauna na kami...ang nangyari dito sa Treehouse." Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng loob. "Dito lang." Nginitian ko sya bago tuluyang bumaba. Narinig ko pa ang pag tawag nito sa'kin pero hindi ko na sya pinansin.
"Parang napatagal ang pag-uusap nyo ni Isla." Nakatakip ang ulo ni Ela ng kanyang kamay. "Nakapag mabutihan na kami nang lalaki kanina tapos kayo hindi parin tapos mag usap."
"Mabuti naman kung ganon!" Nasa kalagitnaan na ako nang hagdan ng dumulas ang isang paa ko at tumama yung isang tuhod ko. "What the freak!" Sigaw ko.
"Mahal!" Sigaw ni Isla mula sa itaas. Itinaas ko ang tingin kaya't nakita ko syang nag aalalang pababa para hawakan ako. Naka bihis na rin sya, ang bilis naman?
"Kaya ko..." Hinilot ko pa nang kaunti ang tuhod na tumama. "Mag-ingat ka Niks! Isla, alalayan mo sya! Ayokong mawalan ng kaibigan!" Nagpapanic na sigaw ni Ela sa baba.
"Mamaya kana sumigaw!" Sigaw ko. Natataranta din ako sa sigaw nya. Akala nyo ba madali lang para sa'kin 'to?
Kaunti na lang naman ay makakababa na ako. "Kumapit ka..." Bulong ni Isla. "Ng madiin." Biglang nag init ang pisnge ko sa bulong nya.
Kailangan ko na talagang bumaba sa lalong madaling panahon! Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
"Kaya ko nga, kaya ko." Pigil hininga akong bumaba. Hindi ko na ininda ang sakit basta nagdare daretso na ako pababa.
"Ihahatid ko na kayo, may iilang naka inom na rin dyan sa daanan." Umakbay sa'kin si Isla habang matalim itong nakatingin sa grupo nang lalaking napadaan sa'min.
"Miss! Ang gaganda nyo! Manliligaw daw 'to!" Sigaw ng isang lalaki nang makalayo na nang kaunti sa'min.
"May boyfriend diba?!" Galit na sigaw ni Isla. Nagulat ako sa sigaw ni Isla sabay tawa naman ni Ela. Salubong ang dalawang makapal na kilay nito at namumula ang tenga nya.
Hinimas himas ko ang likod nya para mahimasmasan naman sya. Mukhang gg na ang baby boy ko...hahaha!
"Nakaka ingget naman yarn!" Pang-aasar ni Ela. Inirapan ko lang ito at iniwan ko na silang dalawa. Nauna na ako sa paglalakad, iika ika pa nga ako. Parang magkakapasa pa ang tuhod ko.
"Sabi ko mag ingat ka,eh. 'yan tuloy! Tumama ang tuhod mo." Kahit anong bilis ko sa paglalakad, talagang naabutan nila ako.
"Tara, pumasan kana lang sa'kin." Humarang si Isla sa harap ko at nag bend sya nang kaunti para maisampa ako.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...