Nikolai's POV
Isla Eleazar Montealegre added to the group.
Everyone's looking at me habang naglalakad sa hallway. Nagba bounce ang ash blonde hair ko at taas noo akong naglalakad. Tumutunog pa ang takong ko kaya mas lalong tumataas ang self confidence ko.Dumaretso ako sa Locker ko at wala pa din namang pinagbago. There's a tone of letters. Iba iba ang itsura nang sobre pero dating gawi. Iuuwi ko lang din mamaya 'yan sa bahay at ilalagay sa cabinet. Binabasa ko naman paminsan minsan sa tuwing nararamdaman kong walang nagmamahal sa'kin.
Hindi na bago ang mga letters na 'to. Hindi sila makapag confess ng feelings sa'kin dahil sa pagiging 'sassy' ko. Bawat salita nila ay may rebutt ako.
Kung mahina ang loob nila hindi nila ako mapapahanga nang sobra.
[Ano? Niks! Okay ba yung naisip ko?! Lalaban kasi ako ngayong intrams eh!]
"Oo nga! Oo." Bored na pagkakasagot ko. Kanina pa pala sya nag sasalita sa kabilang linya, hindi ko kasi alam ang mga sinasabi nya.
[Sure 'yan ah! Sasapakin talaga kita dyan niks HAHAHA] Sabay tawa ni Issa.
"Oo Issa, maganda lahat ng plot twist na iniisip mo. So, goodluck! Alam kong mananalo ka haha."
[Ofcourse! HAHA bye, kita na lang tayo sa tambayan. Muah!]
After that, i ended the call.
"Niks! Kamusta review?" Bungad na tanong ni Ela sa'kin nang maisarado ko ang Locker ko.
"Okay lang. Bakit? Mangongopya ka?"
"Hell no! Masyado kang mayabang dapat kanang ipatumba." Pabiro nyang hinampas ang ibang locker at tumama nga 'yon sa kamay nya.
Hindi ko mapigilang matawa kaya tinawanan ko muna sya bago hinilot hilot ang kamay nyang tumama doon.
"Masakit ba? Bakit hindi ito ang hinampas mo." Sabay turo ko sa Locker na hindi rin naman kalayuan na gawa sa bakal.
"Funny? Saya ka sis?" Nag thumbs up sya at pabiro pang umirap sa'kin.
"Happy? Tonights gonna happy! Shala lala~" pang aasar ko habang sumasayaw sayaw pa.
Nagsimula na kaming maglakad. Hinihilot hilot parin nya ang kamay nya. Ine expect ko naman na hahawi sila para makadaan kami. Sobrang lakas maka movie. Diba ganito 'yon? Haha. Salcedo lang malakas!
Napansin ko pa ang isang lalaki na talagang ginagawa nya ang paraan para makasilip. Nagulat na lang ako nang bigla syang sampalin ni Ela at lumagatok 'yon.
Natigil ang iilan at napako ang tingin sa lalaking nainis dahil sa ginawa ni Ela. Hindi makalapit ang lalaki dahil na stuck sya sa mga students at may rehas pang naka harang don.
Tuloy lang kami ni Ela sa paglalakad pero ang tingin namin ay hindi mawala wala sa lalaki.
"Sorry." Bigkas ni Ela pero wala namang boses na lumabas sa bibig nya. Iniinis nya pa lalo ang lalaki kaya dumaretso na lang kami sa Garden. Ang tambayan naming apat.
"HOY! PA REVIEW!" Bungad agad ni Issa.
"Ayoko nga." Maarteng sagot ni Ela at pabirong umirap dito.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...