Kabanata 21 Liga

74 3 0
                                    

Nikolai's POV

You don't know me, you only know what i allow you to know.



"Ibaba mo na ako, nawili ka naman." Labag sa ka looban nya akong ibinaba, gusto pala neto hanggang palengke ay buhat ako.

"Tabi." Patulak akong pinatabi ni Magie para makalapit sya kay Isla, akala yata nya may aagaw dito, wala naman talaga, kung meron man, hindi ako 'yon.

Malayo layo narin ang nalakad namin ng may tumawag kay Isla, sigaw 'yon ng lalaking pawisan na naka jersey. Napansin din ng mata ko na may iilang babae sa court at iilang lalaki na naglalaro roon.

Tumakbo ito papalapit sa'min, "Malapit na ang liga, mag pakita muna kayo saglit sa court, Isla, Isaac. Na miss kayo masyado nang mga tao dito." Masayang pagkakasabi nito. Dumako sa'kin ang tingin nito at ibinalik rin kay Isla. "May bago ka yatang kasama? Ipakilala mo naman sya."

"For real? Hindi mo ako kilala? Ano ba naman 'tong mga tao na 'to, may kuryente pero hindi nanonood ng t.v?" Tanong ko. Nawala ang ngiti nito at mukhang na disappoint sya sa sinabi ko.

"A-ano." Nahihiyang lumapit si Isla sa lalaki. "Sya ang nag-iisang anak ng Salcedo."

"Ngayon alam mo na kung bakit masama ang ugali nya." Bulong ni Magie.

"Wala ka sa Manila, pinapaalala ko lang sayo na nasa Campoverde ka." Singit ni Isaac.

"Alam ko naman 'yon, nagulat lang talaga ako na hindi nya ako kilala, well ngayon alam na nya." Ngumiti ako sa lalaki at ngumiti rin ito pabalik. Tumalikod na ito, sinundan nila ang lalaki kaya sumunod na din ako.

Akala ko kung anong gagawin ni Isla at lumapit ito sa'kin, "Baby... Stop talking like that. Mababait ang mga tao dito kaya maging mabait ka rin sa kanila." Bulong nito.

"Magbabait baitan ako? Wag mo 'kong utusan."

"Hays..." Napabuntong hininga 'to sa kawalan. "Be nice to them, every people deserves to be respected."

"ISLA!!!!" Tilian ng iilang babae. "ISAAC!!!" sigaw naman ng iba. Halatang na miss nga sila nito. Sobrang sakit sa tenga nang mga tili nila.

May mga babae pa ngang nagtata takbo sa direksyon namin at nagmamadaling lumapit rito. Masama naman silang tinignan ni Magie kaya napapahinto ang mga kababaihan.

"Na miss ka namin maglaro! Sa liga ba sasali ka?"

"Oo naman, hindi mawawala ang liga sa'kin." Tumatawang sagot ni Isla, inirapan ko pa nga siya nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"Maglalaro ulit sila, maglaro kayo ni Isaac. Mag che cheer kami dito sa gilid."

"Excuse me? Role 'yan ng girlfriend nya. Kaya ko syang i cheer mag-isa." Mabilis na nabaling ang tingin ng mga babae kay Magie.

"Girlfriend kaba?" Pambabara ko dito. Agad na nagtawanan ang mga babae dahil sa sinabi ko, tuwang tuwa sila, akala mo wala nang bukas.

Kanya kanyang nagsi alisan ang mga tao, sumenyas si Isla na umupo ako sa harapan para makanood ako nang maayos. Hindi naman na ako tumabi kay Magie dahil may iilang babae na hinila ako kaya sila ang katabi ko ngayon.

"Omg! Nakakamiss si Isla!" Boses ng  katabi ko.

"Potek! Ang hot, shet!"

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon